(tw // violence, blood)
Taehyung's POV:
After naming magbitaw ni Prinsipe Jungkook ng mga vows namin sa isa't-isa at mabigyan ng basbas ng nagkasal sa'min, may inabot si Ginoong Sunghyun kay Prinsipe Jungkook na dalawang marble ring na kulay red tsaka niya inabot sa'kin yung isa.
Nakakita na 'ko ng ganitong singsing, kay Reyna Sohyun at Prinsesa Joohyun.
"Binabati namin kayo!", sabay-sabay na greetings nina Jisoo sa'min habang pumapalakpak.
Ngayon lang ako nakawitness ng masayang kasal dito, at kasal lang namin ni Prinsipe Jungkook.
Kahit napakaprivate at iilan lang yung nandito, masaya kaming lahat.
Nagulat ako nung bigla akong niyakap ni Prinsipe Jungkook tsaka niya 'ko binuhat tapos biglang hinalikan, kaya hinawakan ko ng dalawang kamay ko yung magkabilang pisngi niya.
"May basbas na ang pagsasama natin sa iisang tahanan, mahal ko.", nakangiting sabi ni Prinsipe Jungkook paghiwalay ng mga labi namin, "Handa ka na bang makasama ako sa iisang bubong, aking tangi?", tanong niya tsaka ako nagnod.
Mas humigpit yung yakap niya sa'kin tsaka niya 'ko inikot-ikot kaya napayakap din ako sa kaniya.
•~•
Bumalik kami sa loob ng palasyo na parang walang nangyari, dahil kami-kami lang nina Ginoong Sunghyun, Jisoo at Ginoong Seojoon yung nakakaalam na kinasal kami ni Prinsipe Jungkook.
Nung malapit na kami sa bahay ni Prinsipe Jungkook, nakasalubong namin si Prinsipe Jaehyun na papalapit siya kay Prinsipe Jungkook.
"Jungkook? Mayroon akong nais na ipakita sa iyo. Sa ilang araw ng aking pagsisiyasat sa tahanan ni Ama, mayroon akong natagpuan.", balita ni Prinsipe Jaehyun tsaka siya may kinuha sa loob ng damit niya na red envelope.
Nakakatuwa na nagtutulungan na yung dalawang magkapatid na akala ko hindi na talaga magkakasundo.
"Ginoong Sunghyun? Jisoo? Mauna na kayo sa aking tahanan.", utos ni Prinsipe Jungkook sa kanila tsaka sila sumunod.
"Aking anak? Maaari ka bang sumama sa akin?", tanong ni Ginoong Seojoon sa'kin kaya napatingin ako kay Prinsipe Jungkook tsaka siya nagnod.
"Opo, Ama.", response ko sa kaniya.
Nginitian ko muna si Prinsipe Jungkook bago ako sumama kay ama.
"Masaya ka, anak?", tanong ni ama sa'kin habang naglalakad kami papunta sa silid-tanggapan.
"Opo, ama. Salamat po kasi pumayag po kayo sa.. sa nangyari kanina. Alam ko po na hindi naman 'to makakasama sa magiging history niya, pero gusto ko po siyang maging masaya. Kahit na balang araw iiwan ko po siya, atleast naramdaman po niya yung saya na deserve na deserve niya.", nakangiti kong sagot.
Pagpasok namin sa silid-tanggapan, pinaupo niya 'ko sa tapat ng table niya tsaka siya may inabot sa'kin.
"Ano po 'to, ama?", curious na tanong ko.
"Buklatin mo iyan sa sandaling.. wala na ako.", napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Bakit po? Saan po kayo pupunta?", bigla akong kinabahan.
"Nais lamang kitang i-handa sa mga bagay na hindi natin batid ang mga mangyayari. Basta ang bilin ko sayo ay huwag na huwag kang panghihinaan ng loob, malinaw? Iyan ang magiging kahinaan mo. Iyan ang magdadala sa iyo sa labis na kapahamakan. Maging matapang ka sa lahat ng pagkakataon.", mga paalala niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...