Chapter 32

77 9 0
                                    

3rd person's POV:

Sa kalagitnaan ng pagsasanay ng mga Prinsipe sa pagpapana, napansin ni Jaehyun si Taehyung na mukhang may malalim na iniisip at bakas sa kaniya ang pagkabalisa.

"Sandali lamang.", paalam ni Jaehyun kay Jungkook.

Nilapitan niya si Taehyung at wala siyang pakielam kung hindi siya pahintulutan ni Jungkook na lapitan ito.

"Ano't pawis na pawis ka? May nararamdaman ka ba na hindi maganda? Nagpahinga ka na lang sana sa tahanan ni Jungkook kung-", naputol ang sinasabi ni Prinsipe Jaehyun nang hawakan ni Taehyung ng mahigpit ang kaniyang braso.

"M-mag-iingat po kayo.", hindi alam ni Prinsipe Jaehyun kung saan nanggagaling yung kaba at pagkabalisa ni Taehyung kaya napakunot yung noo niya.

"Saan kami dapat na mag-ingat, Taehyung? At kanino?", sabat ni Junghoon.

Hindi makasagot si Taehyung kaya naman hinawakan ni Jaehyun ang kamay niya na nakakapit sa kaniya.

"Hindi kita maunawaan. Bakit natatakot ka na lamang bigla?", pabulong na tanong ng Prinsipe sa kaniya.

"Kung pwede ko lang ikwento lahat ng mga alam ko, nasabi ko na ngayon sayo para hindi ka na mapahamak.", thoughts ni Taehyung na hindi niya masabi.

Bigla na lang kasi siyang may navision na may dadanak na dugo sa field pero walang kinalaman sa archery yung magiging dahilan ng madugong labanan.

Hindi niya makita sa vision niya kung sino yung papatay at papatayin.

Basta may nakita siyang nagtatakbuhan at naghahabulan hanggang sa may mamatay dahil sa sandata at dadanak yung maraming dugo.

"Ibang damit naman yung suot niya. Hindi na damit ni Prinsipe Jungkook. Hindi ko alam kung kanino?", another thoughts ni Taehyung.

"Noong nakaraang mga araw ay biglaan na lamang ang iyong pagsigaw sa kadahilanang mayroong bumubulong sa iyo. Ngayon naman ay ano? Mayroon na naman bang bumubulong upang magkaganiyan ka? Susunod ka na ba sa yapak ni Amang? Katawa-tawa.", pabiro pero sarcastic na sabi ni Prinsipe Junghoon kay Taehyung.

Si Prinsipe Junghoon naman yung lumapit kay Taehyung tsaka niya pinatayo ng diretso.

"Kung ano man ang bumabagabag sa iyo, huwag kang magpapatalo riyan. Mas malakas ang iyong isip kaysa sa mga bumubulong-bulong sa iyo, Taehyung. Hindi ka mapapadpad rito ng walang sapat na dahilan. Gawin mo ng buo at ganap ang iyong tunay na tungkulin. Nagsisimula ka pa lamang.", nagulat si Taehyung nung bigla siyang i-comfort ni Prinsipe Junghoon kahit na napakasarcastic palagi ng tono niya.

"Tama na ito. Babalik na kami sa aking tahanan.", inagaw na ni Prinsipe Jungkook si Taehyung kina Jaehyun tsaka niya hinawakan yung kamay at naglakad na palayo.

Nakabuntot lang si Jisoo sa kanila at hindi umiimik.

"Ano na naman ang nangyari? Mayroon na naman bang bumubulong sa iyo? Magsabi ka sa akin, nakikiusap ako.", nag-aalalang pangungumbinsi ni Prinsipe Jungkook sa kaniya habang naglalakad sila pabalik sa bahay niya.

"Hindi ko na alam kung sinong pagkakatiwalaan ko? Gusto kong pagkatiwalaan and ikwento lahat kay Prinsipe Jungkook pero natatakot ako. Wala akong pagdududa kay Prince Jaehyun pero hindi ako comfortable na magkwento sa kaniya. Tama. Kay Ama. Sa kaniya ko ikukwento lahat. Siya lang makakatulong sa'kin.", kwento ni Taehyung sa sarili niya pero sa isip lang.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon