Chapter 38

64 7 0
                                    

Panahon na ng pagpupulong kaya naman nagtipon-tipon ang lahat sa silid-pagpupulong upang i-ulat kung sino na ang susunod na magiging Hari ng bayang ito.

Natagpuan nila ang kasulatan at liham ni Ama sa kaniyang silid at si Junghoon ang nakakita noon.

"Maaari mo ng basahin ang nilalaman ng kasulatan, taga-basa.", kautusan ng Reyna sa kaniya.

Hindi man ako ang maitalaga bilang susunod na Hari ay walang ano mang suliranin sa akin iyon basta si Jaehyun ang mailuklok at hindi si Junghoon.

Natatakot ako para sa bayan na ito kung ang panganay naming kapatid ang mailuluklok ngayong araw.

Ni katiting ay wala akong tiwala sa kaniya dahil sa kaniyang butihing taksil na ina at Reyna ng bayang ito.

Batid ko na matagal na nilang ninanais na mawala si Ama upang mangyari na ang kanilang nais.

"Ayon sa kasulatan ng namayapang Hari na si Haring Jaejoon..", tsaka binuksan ng taga-basa ang kasulatan, "Dahil sa kadakilaan, katapangan at katalinuhang tinataglay ng Prinsipeng ito sa pakikipaglaban upang pangalagaan ang bayan ng Albirea, siya ang nakikita ko at nararamdaman ng aking puso na karapat-dapat na humalili sa akin bilang susunod na Hari. Hindi lamang ako ang nagpasya nito at nakakita ng kaniyang puso sa tapat na paglilingkod para sa mga mamamayan na naririto, kung hindi maging ang makapangyarihang Bathala. Kung ano man ang nilalaman ng kasulatang ito ay mayroong basbas ko at ng Bathala. Binabati ko ang Prinsipeng ito bilang susunod na magmamana ng aking trono..", naudlot na pagbabasa niya.

Napatingin siya sa aming tatlong magkakapatid sabay ngiti.

"Binabati ko ang Prinsipeng ito bilang susunod na magmamana ng aking trono.. Prinsipe Junghoon.", napatingin ako sa taga-basa at nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig ko.

"Mabuhay ang bagong Hari ng bayan ng Albirea! Mabuhay si Haring Junghoon!", sabay-sabay na pagpupugay ng buong kapulungan ng pamahalaan na siya namang ikinagalak ni Jaehyun.

Nagtungo siya sa trono ni Ama at umupo ng may taas noo katabi ang Reyna.

Bakas ko ang takot sa wangis ni Taehyung at Ginoong Seojoon.

Maging sila ay hindi pinagkakatiwalaan si Junghoon.

Lumuhod ang lahat at nagbigay galang sa kaniya ngunit ako ay nakaupo lamang at walang pakielam.

"Ano't wala kang galang sa bagong Hari ng bayang ito, Jungkook? Magbigay galang ka.", pagpipilit sa akin ng Reyna.

"Hanggang sa aking huling hininga, hindi ako magbibigay galang kay Junghoon. Hinding-hindi ako magbibigay galang sa mga taong pumaslang sa aking Amang Hari.", pagmamatigas ko.

"Lahat na lamang ba ng lalabas sa iyong bibig ay purong pambibintang ng walang sapat na anumang katibayan? Hindi mo lang matanggap na si Junghoon ang napusuan ng iyong Amang Hari na humalili sa kaniya bilang Hari ng bayang ito. Tanggapin mo na lamang at magbigay galang ka, anak ng taksil na mananalaysay.", may pagdidiin sa kaniyang sinambit.

"Hahayaan kita sa kung ano mang nais mo na itawag sa akin. Ngunit tatandaan niyo na sa sandaling malaman ko ang buong katotohanan, luluhod kayong lahat sa aking harapan at hinding-hindi ko kayo patatawarin kahit na lumuha pa kayo ng dugo.", taas noo kong tugon.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon