Chapter 4

158 6 0
                                    

"Taehyung? Maayos na ba ang iyong pakiramdam?", dahan-dahan akong dumilat nung narinig ko yung boses ni Jimin.

Napahawak ako sa leeg ko at may nakatapal sa sugat ko pati sa sugat ko sa ulo.

May bandage na nakaikot sa ulo ko.

"Yung tarantadong 'yon. Siya may kasalanan. Lasing lang ako kagabi pero tanda ko yung mukha niya. Siya yung may kagagawan ng mga sugat ko.", reklamo ko pagbangon ko.

Napatingin ako sa siwang ng mga bintana, at umaga na.

Di ko man lang naenjoy kagabi yung party.

"Sa oras na makita ko na naman 'yon, gagantihan ko siya. Wag niyang sabihing may sandata siya? Wala lang ako sa tamang wisyo kagabi kaya di ako makagalaw nung tinutukan niya 'ko ng sandata. Ipapakain ko sa kaniya 'yon makita niya lang.", rant ko.

"May.. may sandata siya? Hindi naman kaya kawal sa palasyo ang nakasagupa mo kagabi? Kung ganon.. masyadong mapanganib kung muli kayong maghaharap, Taehyung.", mas kabado pa si Hoseok sa'kin.

"Kung hindi isang kawal ang nagtangka sa iyong buhay kagabi, isa sa mga matataas na pinuno sa loob ng palasyo o kaya naman.. isa sa.. sa mga Prinsipe? Walang sino man ang mayroong karapatan na humawak ng sandata maliban sa aking mga nabanggit.", dugtong ni Namjoon.

Imposibleng Prinsipe siya kasi hindi naman familiar yung mukha niya sa'kin, kaya baka kawal nga or higher officials sa loob ng palasyo?

"Porket may sandata, akala mo kung sino na? Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Isusumbong ko talaga 'yon sa Prinsipe kapag naging mananalaysay na 'ko. Yari siya sa'kin. Hintayin niya yung ganti ng isang api.", reklamo ko.

"Kung makakapagsumbong ka kay Prinsipe Jungkook? Hindi ka pakikinggan 'non. Ayon sa mga salaysay ng mga mananalaysay niya noon ay kasing tigas ng bato at kasing lamig ng yelo ang kaniyang puso. Nabasa mo naman iyon sa mga aklat na ating binabasa, hindi ba?", natatawang sabat ni Seokjin.

"Malay mo naman? Konting sipsip lang 'don, baka mauto ko?", napatingin yung tatlo sa'kin sa hindi ko malamang rason.

Why are they staring at me?

"S-sisipsipin mo ang.. ang mahal na.. Prinsipe Jungkook? Nahihibang ka na ba talaga?! Hindi mo maaaring gawin iyon! Hindi mo maaaring basta na lamang hawakan ang kamahalan, at mas lalong hindi mo siya maaaring sipsipin!", reaksyon ni Jimin.

I forgot.

Iba pala yung humor ng mga tao dito.

My bad.

"Hindi ko siya sisipsipin, Jimin. Bakit ko gagawin 'yon? Ang ibig kong sabihin, magiging mabait ako sa kaniya hanggang sa makuha ko yung loob niya. Baka sakaling gumana 'yon para managot yung may gawa sa'kin nito. 'Yan yung ibig kong sabihin. Kadiri naman yung sisipsipin ko siya ng literal?", paliwanag ko.

Bumangon na 'ko at umalis sa kama tsaka ako nagpunta ng kusina.

Nagugutom na 'ko.

Hindi ko naubos yung manok kagabi.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon