(tw // death, mcd)
Taehyung's POV:
"What.. happened?", tanong ko sa isip ko habang nililibot ko yung paningin ko.
"Thank god, gising ka na.", naiiyak na sabi ni Jisoo sabay hawak sa kamay ko, "Akala ko mawawala ka na talaga, Tae. Tatawag ako ng Doctor, ha? Wait lang."
Tumakbo siya palabas ng ward habang ako naman, dahan-dahang bumangon at umupo.
"Anong klaseng panaginip 'yon? Bakit parang.. totoo?", bulong ko sa sarili ko kasi gulong-gulo ako.
Napahawak ako bigla sa tiyan ko dahil parang totoo yung nangyari sa'kin sa panaginip ko.
Naaalala ko lang, nasaksak ako tapos nahulog ako sa tubig.
Hindi ko na maalala yung iba.
Tsaka para akong nasa lumang era nung nangyari sa'kin 'yon.
Nagsipasukan yung mga Nurse tsaka Doctor para asikasuhin ako.
Chineck nila yung mga vitals ko at lahat-lahat ng dapat i-check.
•~•
Dalawang araw na 'kong gising at nagpapahinga dito sa private ward ko.
Si Jisoo yung nagbabantay sa'kin.
Hindi ko alam kung bakit ang gaan-gaan ng loob ko sa kaniya ngayon kahit na hindi pa rin mawala sa isip ko yung katraydoran na ginawa niya.
She stole my boyfriend from me, kaya diba dapat galit na galit ako sa kaniya?
"Tae? I'm sorry talaga. Sorry kung nagpadala ako sa kalandian ni Jinyoung. Di na rin naman kami nag-uusap. Wala na kaming communication mula nung na-coma ka hanggang graduation. May.. ibang babae na rin kasi siya ngayon. Di ka man lang nagawang dalawin dito sa hospital.", nahihiyang kwento ni Jisoo sa'kin.
"G-grad.. graduation? Ilang araw na ba 'kong nandito sa.. Hospital?", gulong-gulo na tanong ko.
"Almost a year kang comatose, Tae. Matagal kang naconfine.", nagulat ako sa sinabi niya kaya nastatwa ako sa kinauupuan ko.
"How about Moonbyul and Sana? Okay lang sila? Na saan sila? Nakaconfine din ba?"
"Okay naman sila. Ikaw lang yung nacomatose. Ilang araw lang silang naconfine kaya nakabalik sila agad sa univ tsaka nakasama sila sa graduation."
Tumango na lang ako tsaka ako napatingin sa dextrose ko.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...