Chapter 24

91 7 0
                                    

Prince Jungkook's POV:

Ang init ng aking pakiramdam.

Hindi ako makatulog ng maayos, lalo na't katabi ko si Taehyung sa aking kama.

Nakamasid lamang ako sa kaniyang maamong mukha habang siya'y mahimbing na natutulog.

"Tunay na nakahuhumaling ang iyong kagandahan, Taehyung. Ano ang iyong salamangkang taglay? Bakit ganito na lamang ang iyong dulot sa akin?", aking bulong sa sarili habang nakatanaw lamang sa kaniya.

Napadpad ang aking tingin sa kaniyang leeg, at nakita ko na namang muli ang bakas ng aking kalapastanganan sa kaniya.

Ang bakas ng aking sandata na humiwa sa kaniyang leeg kamakailan lamang.

Hinaplos ko iyon at nakaramdam ako ng habag.

"Hindi ang isang katulad mo ang makakaranas ng lupit galing sa ibang mga tao sa iyong paligid. Pangangalagaan kita sa kahit kanino man. Kahit na batid ko na wala akong pag-asa sa iyo, hinding-hindi magbabago ang aking nais na pangalagaan ka sa lahat. Binigyang kulay mong muli ang aking buhay sa iyong pagdating rito sa palasyo, kaya naman isasama kita sa mga tao na mahalaga sa buhay ko.", hindi ko namamalayan na ako'y nakangiti na pala.

Napatingin ako sa kaniyang mga labi at dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kaniyang mukha.

Nais ko siyang halikan, sa totoo lamang.

Magdidikit na sana ang aming mga labi ng bigla na lamang siyang umungot kaya nilayo ko ang aking mukha sa kaniya.

Tumatangis ba siya?

Ano ang kaniyang napapanaginipan?

Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at nagulat ako sapagkat ang init ng kaniyang balat.

Inaapoy siya ng lagnat.

Nagmadali akong lumabas upang tawagin si Ginoong Sunghyun at utusan siya na magpatawag ng manggagamot.

Agad naman niya akong sinunod at binalikan ko si Taehyung sa aking silid-tulugan.

"K-kamahalan.. wag. Tama na. Kamahalan?!", bigla na lamang bumalikwas ng bangon si Taehyung tsaka siya umupo.

Tumatagaktak ang kaniyang pawis at tumutulo ang kaniyang mga luha.

"Ano ang nangyari? Bakit ka tumatangis?", nag-aalala kong katanungan sa kaniya.

Tumitig siya sa akin at siya'y takot na takot.

Nanginginig siya sa takot kaya naman hinawakan ko ang kaniyang mga kamay.

"Magsalita ka. Ano ang tunay na naganap? Bakit ka tumatangis?", muli kong pagtatanong.

"Si.. si Haring Jaejoon. Papatayin siya. May.. papatay sa kaniya. Papatayin siya sa mismong tahanan niya, kamahalan. Dadanak yung dugo. Maraming.. m-maraming dugo.", nabigla ako sa kaniyang isinalaysay sa akin.

"Nakita mo ba sa iyong panaginip kung sino ang kikitil sa buhay ng aking ama? At paano?", nais kong malaman ang lahat.

Naniniwala ako sa mga palatandaan ng mga panaginip sapagkat iyon ang aking nagsisilbing balintataw upang magkaroon ako ng kaalaman sa mga mangyayari sa hinaharap.

"Hindi ko po nakita kung sino siya, kamahalan. Malabo po yung.. yung mukha niya. Di ko alam kung sino. Pero.. yung kasuotan..", bigla siyang napatingin sa akin kaya kumunot ang aking noo.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon