Prince Jungkook's POV:
Nasa mahimbing ako na pagkakatulog nang bigla na lamang akong magising nang marinig ko ang tinig ni Taehyung at Ginoong Sunghyun na para bang nakikipagtalo sa labas ng aking silid-tulugan.
"Nagpapahinga po si Prinsipe Jungkook. Di niyo po siya pwedeng-", naudlot na sabi ni Taehyung kaya naman napaupo ako ng dahan-dahan.
Naririnig ko ang mga yabag ng paa papalapit sa akin, at tumambad si Junghoon sa aking harapan.
"Kumusta ang pagpapahinga ng aking kapatid? Ang akala ko ay tuluyan ka ng nasawi sa tagal ng iyong paghimlay. Nais lamang kitang kumustahin sapagkat hindi kita nakikita na pagala-gala sa palasyo. Nakakapanibago, Jungkook.", nakangisi niyang bungad sa akin.
"Ano't tila nananabik ka sa akin ngayon at hinanap-hanap mo ako? May kailangan ka ba? Nagsasawa ka na ba kay Jaehyun sa pagbilog ng kaniyang ulo at maging ako naman ngayon ay binubulabog mo?", walang damdamin kong kasagutan.
Bigla na lamang siyang lumapit sa akin kaya naman sinundan siya ni Taehyung.
Ginamitan ng dahas ni Junghoon ang pagpunit sa aking kasuotan at tumambad sa kaniya ang aking sugat sa dibdib tsaka siya natawa.
"Sinasabi na nga ba?", natatawa niyang tugon tsaka ako ngumisi.
"Ano, Junghoon? 'Sinasabi na nga ba'? Ang alin?", inulit ko ang kaniyang sinabi kaya naman binitawan niya ako ng padabog, "Ano naman sa iyo kung mayroon nga akong sugat sa dibdib?", sa kaniya ko binalik ang kaniyang katanungan na batid kong may itinatagong kahulugan.
Nabaling din ang aking pansin kay Jisoo nang siya'y tumabi kay Taehyung, at bakas sa kaniya ang kaba.
"Ibalik mo sa akin ang liham. Wala na akong pakielam kung batid mo na o hindi pa, basta ibalik mo sa akin ang liham.", kautusan niya sa akin.
"Anong liham?", aking katanungan na mas lalong nakapagpagalit sa kaniya.
"Batid mo kung ano ang tinutukoy ko! Akin na!", naglalagablab niyang galit.
"Ano ba ang nilalaman ng liham at ganiyan na lamang ang iyong kaba na mapasakamay ko iyon?", panunukso ko, "Pagtataksil ba sa bayan ang nilalaman ng liham kaya't ganiyan na lamang ang iyong takot na nakuha ko iyon sa mga inutil na kawal ng bayan ng Arcturo? Ano't nababahala ka? Nanggaling ba sa iyo ang liham na iniabot ng ating mga kawal sa kawal ng mga kaaway?", dugtong ko.
Tumayo ako tsaka ko siya nilapitan.
"Batid mo ang mangyayari sa iyo sa sandaling mai-ulat ko iyon sa lahat, hindi ba? Parusang kamatayan ang hatol sa mga nagtataksil at nakikipanalig sa mga kaaway.", maangas kong sambit sa kaniya.
"At sino ang may sabi na ako'y mapaparusahan?", matapang niyang tugon tsaka niya inilabas ang kaniyang sandata at hinila si Taehyung sabay pinulupot ng kaniyang braso sa leeg nito.
Tinutok ni Junghoon sa leeg ni Taehyung ang sandata kaya naman nangamba ako na masaktan ang aking minamahal.
"Mukhang mas mahalaga pa nga talaga ang liham kaysa sa buhay ng pinakamamahal mong mananalaysay, ano? Kahit kitilin ko ang buhay ni Taehyung ngayon sa harap mo ay ayos lamang.", ginawa niyang pain si Taehyung upang ibigay ko ang liham.
"Kama.. kamahalan? W-wag niyo pong.. ibigay. Mapapahamak po.. k-kayo.", bulong ni Taehyung habang siya'y tumatangis at takot na takot.
"Haring Junghoon? Hindi niyo po kailangang idamay si Taehyung sa-", naudlot na pakiusap ni Jisoo ngunit sinigawan siya ni Junghoon.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...