Chapter 48

76 5 0
                                    

Pagbalik ko sa palasyo, nag-iba ako ng landas pabalik ng aking tahanan nang sa ganoon ay matakasan ko ang mga kawal.

Nang ako'y nasa harap na ng aking tahanan, bumungad sa akin si Ginoong Sunghyun na tila'y tuliro at pabalik-balik siya sa kaniyang paglalakad.

"Ang batang iyon. Ako ang mananagot sa Prinsipe sa sandaling mauna siyang magbalik kaysa kay Taehyung.", naririnig ko ang kaniyang nangangambang pagbulong kaya agad ko siyang nilapitan.

"Ginoong Sunghyun? Ano't balisa ka? Na saan si Taehyung?", aking bungad.

Nagulat pa siya sa akin nang marinig niya ang tinig ko.

"K-kamahalan.. si Taehyung..", hindi niya magawang ituloy ang kaniyang sinasabi, "Nang siya'y magkamalay, ninais niya na makalabas upang ikaw'y kaniyang tulungan. Hindi ko napigilan ang kaniyang kasutilan at ginamit niya ang kaniyang lakas at liksi upang makatakas sa akin. Patawad, kamahalan. Hindi ko batid kung na saan siya?", nangangamba niyang salaysayin sa akin.

"Kamahalan?", narinig ko ang tinig ni Jisoo kaya naman ako'y napalingon sa aking likuran.

"Ano ang nangyari? Bakit may malalim kang sugat? Si Junghoon ba ang may gawa niyan?", nag-aalala kong mga katanungan.

"Hindi po. Ako po yung may gawa para po-", naudlot siya sa pagpapaliwanag na para bang may hindi siya dapat na mabanggit, "P-para.. matulungan po si Taehyung na makapasok sa tahanan ng Hari. Ginawa ko po ito upang linlangin ang mga kawal na nagbabantay sa kaniyang tahanan at matuon sa akin ang pansin ng lahat ng mga kawal. Patawad, kamahalan. Pinipilit ko siya na bumalik rito ngunit matigas ang kaniyang ulo. Hindi ko po siya nais na iwanan roon ngayon ngunit inutusan na po ako ni Haring Junghoon na isilid ang mga halamang ito sa inyong silid-tulugan, maging ang liham na ito na hindi ko po batid ang laman.", salaysay sa akin ni Jisoo.

"Sutil ka talaga, Taehyung! Hindi ko na alam ang aking gagawin sa sandaling mapahamak ka na naman! Labis mo akong pinagaalala!", labis na ang aking kaba sapagkat hindi pa dumarating si Taehyung, "Ginoong Sunghyun? Magpatawag ka ng manggagamot upang malunasan na si Jisoo.", aking kautusan na sinunod niya agad.

Pinapasok ko na si Jisoo sa loob habang ako ay naghihintay sa pagbabalik ni Taehyung.

"Ano't kay sutil mo?! Kung hindi lamang kita mahal..", napatigil ako sa aking sinasambit tsaka ako napapikit at napabuntong hininga ng malalim, "Magbalik ka lamang ay sapat na sa akin, sutil.", pinakalma ko ang aking sarili sapagkat hindi ko nais na magalit na naman kay Taehyung.

Nang may matanaw ako na papalapit na kawal, pumasok ako sa aking tahanan sapagkat makikita niya ako sa ganitong kasuotan.

Papalabas sila ng palasyo at mukhang mga nagmamadali.

Pumasok ako sa aking silid at itinago ang biyak na sandata sa ako lamang ang makakaalam at makakakita tsaka ako nagpalit ng aking panlabas na kasuotan.

Itinago ko rin ang mga halamang nakalalason maging ang papel na iniabot sa akin ni Jisoo kanina ngunit hindi ko pa ito nabubuksan at nababasa.

Nakarating na rin si Ginoong Sunghyun at ang manggagamot upang malunasan ang mahaba at malalim na sugat ni Jisoo.

"Mukhang matalim at makapal ang humiwa sa iyong braso? Ano ang tumama sa iyo?", narinig kong tanong ng manggagamot kay Jisoo.

"Matalim po na bato.", naguluhan ako kung bakit kailangan niya pa na magpasugat ng ganiyan kalalim para lamang nakawin ang pansin ng mga kawal?

"Jisoo? Pasensiya ka na kung kailangan mo pang gawin 'yan. Nagkasugat ka pa tuloy. Patawad.", narinig ko na ang tinig ni Taehyung kaya naman nakahinga na ako ng maluwag.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon