Chapter 56 🔞

158 8 1
                                    

Prince Jungkook's POV:

Nakabalik na sina Taehyung at Jisoo sa silid-mananalaysay kaya naman naiwan na naman ako na nag-iisa sa aking tahanan.

Nagbalik na rin si Ginoong Sunghyun sa kaniyang silid upang magpahinga na.

Ako ang may hawak ng liham na ginawa ng tagapaglingkod ni Junghoon sapagkat sa akin ito ipinagkatiwala ni Jaehyun.

Isisiwalat na namin ang lahat sa kaniyang nalalapit na kaarawan dalawang araw na lamang ang hihintayin.

Isang malaking handog ito na hindi niya inaasahan.

Pinagsawalang-bahala na ni Junghoon ang kaniyang sandata sapagkat nagsinungaling si Jaehyun sa kaniya na hawak niya ito at siya ang nagnakaw sa magpapanday.

Dahil nagtutulungan na kami ni Jaehyun sa pagpapabagsak sa kaniya, inulat ko na rin kay Jaehyun na nasa akin ang sandata ni Junghoon na ginamit sa pagpaslang kay Ama.

"Mahal na Prinsipe?", narinig ko ang tinig ni Ginoong Seojoon sa labas kaya naman pinuntahan ko siya upang makaharap.

"Ano po ang inyong kailangan?", mahinahon ko na kasagutan.

"Maaari po ba akong humiling sa inyo?", ano't bigla siyang humiling sa akin ngayon kung kailan malalim na ang gabi?

"Ano po ang inyong nais hilingin?", wala akong naiisip na gusto niyang hilingin ngayon.

"Maaari po bang.. huwag ninyong hahayaan na mawalay sa inyong tabi si.. si Taehyung? Batid ko na hindi po ninyo siya pananagutan na bantayan, ngunit ikaw lamang po ang mapagkakatiwalaan ko ngayon sa aking anak na batid kong hindi siya pababayaan. Mahabang salaysayin po kung bakit, ngunit.. nakikiusap po ako.", ngayon ko lamang siya narinig na makiusap ng ganito sa akin.

"Huwag po kayong mag-alala, Ginoo. Walang suliranin sa akin ang inyong mga hinihiling. Babantayan ko siya at hindi ko hahayaan na mawala siya sa aking tabi.", pagsang-ayon ko.

"Maraming salamat, kamahalan. Magandang gabi po.", nagbigay galang siya bago siya umalis.

Napaisip ako kung bakit parang ganoon na lamang ang kaba ni Ginoong Seojoon ngayong nakikisuyo siya?

May suliranin ba?

Bigla na lamang akong hindi mapakali kaya naman nagtungo ako sa silid-mananalaysay upang sunduin si Taehyung.

Mula ngayon, magkasama na kami sa aking tahanan upang mabantayan ko siya.

Sa gitna ng aking paglalakad, napansin ko ang liwanag ng buwan na bahagyang kulay kahel kaya naman bigla akong nangamba.

"Hudyat na ba ito na malapit na ang pagkulay dugo ng buwan? Isa na ba ito sa mga palatandaan?", bulong ko sa aking sarili at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Pumasok ako sa kanilang silid at hinanap ang silid ni Taehyung, ngunit ng malapit na ako sa kaniyang silid, napansin ko na bahagyang nakaangat ang sahig kaya naman tinignan ko ito.

"Kamahalan?", pagbibigay galang ni Hoseok sa akin nang siya'y lumabas sa kaniyang silid at siya'y aking nakasalubong.

"Ano't walang nag-aayos ng inyong sahig rito?", aking katanungan sa kaniya.

"Hindi naman po nakakasagabal kaya hindi na po pinapaayos.", katwiran niya kaya naman hindi ko na ito binigyang pansin pa.

"Bakit po pala kayo naririto, kamahalan?", katanungan ni Hoseok sa akin.

"Pupuntahan ko si Taehyung.", pagtatapat ko.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon