Si Prinsipe Jungkook yung nagdala kay Ginoong Seojoon pabalik sa loob ng palasyo para ipakita sa kanila na wala na 'to at patay na.
Kakatapos lang kumain nina Jimin at Hoseok at bangkay agad ni Ginoong Seojoon yung tumambad sa kanila.
"Ginoong.. Seojoon? Anong nangyari?", gulat na gulat na tanong ni Jimin habang si Hoseok naman nakatulala lang.
"Namayapa na siya, Jimin. Iniwan na tayo ni Ginoong Seojoon.", naiiyak na sagot ni Jisoo dahil hindi na makapagsalita si Taehyung.
Tulala na lang din siya at pagod na pagod na sa kakaiyak.
"Kung sino ang nais na sumama sa amin nina Taehyung sa pagsunog sa labi ni Ginoong Seojoon, maaari kayong sumama.", mahinahong sabi ni Prinsipe Jungkook sa kanila habang bitbit yung bangkay ni Ginoong Seojoon.
Nagkatinginan si Jimin at Hoseok nung dumating si Haring Jaehyun.
"Pinahihintulutan ko kayo. Maaari kayong sumama upang mabigyan ninyo ng pagdadalamhati ang pagyao ni Ginoong Seojoon.", pagpayag ng hari kina Jimin.
Nalulungkot si Haring Jaehyun sa nakikita niya na itsura ni Taehyung na sobrang maga na ng mata sa kakaiyak at para bang wala ng natitirang lakas.
"Maraming salamat, Jaehyun. Mauuna na kami.", paalam ni Prinsipe Jungkook sa kaniya tsaka na sila umalis papunta sa silid kung saan aasikasuhin yung bangkay ni Ginoong Seojoon bago sunugin.
•~•
Pinapanood nina Prinsipe Jungkook yung pagsunog kay Ginoong Seojoon habang yakap-yakap niya si Taehyung.
"Taehyung? Kanina ka pa hindi umiimik, minamahal ko. Nag-aalala na ako sayo.", pabulong na tanong ni Prinsipe Jungkook sa kaniya pero wala siyang sagot na narinig galing kay Taehyung.
Tulala lang kasi 'to habang pinapanood na sunugin yung ama-amahan niya at walang tigil yung pagpatak ng mga luha niya.
Natapos ng sunugin yung bangkay ni Ginoong Seojoon at ilagay sa loob ng urn at si Taehyung yung naghawak 'non hanggang sa makabalik sila ng palasyo.
"Kama.. halan? Pwede ba 'kong.. mag-isa? Gusto ko lang.. mapag-isa.", nanghihinang tanong ni Taehyung habang naglalakad sila malapit sa silid-tanggapan.
"Basta't kung kailangan mo ng masasandalan, narito lamang ako. Puntahan mo lamang ako sa ating tahanan.", kalmadong tugon ng prinsipe tsaka tumango si Taehyung.
Nauna na sina Prinsipe Jungkook tsaka naman dumiretso si Taehyung sa silid-tanggapan kung saan palaging nananatili si Ginoong Seojoon.
Pinatong ni Taehyung yung urn ni Ginoong Seojoon sa mesa nito tsaka siya umiyak ng mahina lang para walang ibang makakarinig sa kaniya.
"Ama? Pati ba naman po ikaw.. iiwan niyo din po ako? Nawalan na po ako ng.. ng tatay sa present era. Pati ba naman po dito? Bakit niyo po ako.. iniwan? Paano na po ako?", mas lalo siyang napahagulgol at napayuko.
Di niya alam, sinundan siya ni Prinsipe Jungkook at nasa labas lang 'to habang pinakikinggan yung iyak ng asawa niya.
Ang bigat-bigat din sa dibdib ni Prinsipe Jungkook na naririnig si Taehyung na humahagulgol ng ganito at pinipigil lang niya na wag bumagsak yung mga luha niya pero bumigay na rin siya.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...