Chapter 13

105 6 0
                                    

Inutusan kaming dalawa ni Mr. Sunghyun ni Prinsipe Jungkook na humanap ng bagong libro na babasahin niya sa library nila dito sa palasyo.

Hindi ko alam kung ano yung preference 'non sa mga libro?

"Ano pong hilig niyang mga binabasa?", tanong ko kay Mr. Sunghyun.

"Tungkol sa mga kasaysayan. Kasaysayan sa bayang ito o sa ibang mga bayan.", mahilig pala talaga siya sa mga History books?

Bahala na si Mr. Sunghyun maghanap, basta ako maghahanap ng mga love story na libro.

Kukunin ko na sana yung isa, nung biglang may nakasabay ako sa pagkuha at nahawakan ko yung kamay niya.

Paglingon ko, yung isa pala sa mga Prinsesa na sinasabi kong mas maputi na mas singkit.

Nagbow ako as a respect.

"May ipapakuha po kayo?", baka kasi may hindi siya abot?

Binaba niya yung kamay niya tsaka siya tumitig ng masama sa'kin.

Naglakad siya ng dahan-dahan palapit sa'kin kaya paatras naman ako ng paatras.

"Hindi mo ba batid ang aking ngalan, mananalaysay?", nakakatakot siya.

Yung attitude niya parang kakainin ka ng buhay?

"P-patawad po. Hindi ko po kayo kilala.", di ko talaga siya kilala.

"Ako si Prinsesa Jennie. Bunsong Prinsesa ng bayan ng Callia. Ngayon? Nakikilala mo na ba ako?", nagpapakilala na nga lang, may attitude pa.

Sa kakaatras ko, natrap ako sa dingding tsaka ako napalunok.

Natatakot ako kasi baka mamaya ikapahamak ko kapag pinatulan ko 'to?

Tinitigan niya 'ko mula ulo hanggang paa.

"Kay ganda ng iyong mga mata, ano? Maging ang iyong ilong at labi.", compliment niya pero nakakatakot pa rin.

Ang talim-talim kasi ng tingin niya sa'kin.

"Salamat po, mahal na Prinsesa.", ang awkward na ng ngiti ko kasi naghahalo yung nerbyos tsaka hiya ko.

"Ano ang iyong ngalan, mananalaysay?", tinanong niya bigla yung pangalan ko.

"Taehyung po, kamahalan.", kabadong response ko sa kaniya.

"Sana'y naging Prinsipe ka na lang rin. Kung isa ka sa mga Prinsipe, marahil ay ikaw na ang aking napili ng walang halong pag-aalinlangan.", seryoso ba 'to?

"Uh.. a-aalis na po ako. Naghihintay na si Prinsipe Jungkook. Nautusan lang po kasi ako na kumuha ng libro. Paalam po.", nagbow ako ulit bago siya lampasan.

Kumuha lang ako ng random na libro para may pang-alibi ako, pero hindi ko na alam tsaka di ko na nakita kung ano yung nadampot ko.

"Taehyung?", pagtawag sa'kin ni Princess Jennie kaya napalingon ako sa kaniya, "Inaanyayahan kita sa nalalapit na pagdalaw nina Haring Jaejoon, Reyna Sohyun at mga Prinsipe sa aming bayan sa darating na ika-sampu ng Nobyembre. Nais ko na ikaw ang maging mananalaysay ng isa sa mga Prinsipe."

"Pero kamahalan, hindi po ako yung magpapasya. Tsaka.. hindi po ako mananalaysay nina Prinsipe Jaehyun tsaka Prinsipe Junghoon kaya wala po sa'kin yung pasya kung sasama ako?.", katwiran ko.

"Ako ang kakausap sa mahal na Haring Jaejoon. Hindi niya ako matatanggihan.", mapilit talaga siya.

Bakit ako?

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon