Chapter 50

72 5 0
                                    

3rd Person's POV:

Kumpleto ang lahat habang pinapakilala si Prinsesa Joohyun sa lahat bilang susunod na reyna ng bayan ng Albirea.

Napagkasunduan ni Haring Junghoon at ng Hari ng bayan ng Callia na pag-isahin na ang dalawang kaharian at pamumunuan nila 'to ng magkasama.

Ang mga mamamayan ng Callia ay mamamayan na rin ng Albirea, at ganoon din ang mga mamamayan ng Albirea na mamamayan na rin ng Callia.

Hindi man gusto ni Haring Junghoon na may kahati siya sa pamumuno pero ito lang yung naiisip niya para mapagkatiwalaan siya at ang Reyna Sohyun sa pakikipagkasundo sa kanila.

"Maghanda ka. Magiging gulo ito.", bulong ni Prinsipe Jungkook kay Taehyung, "Sa sandaling pagtaksilan ni Junghoon maging ang Hari at Reyna ng bayan ng Callia, hindi lamang iisa ang bayan na makakadigma ng bayan ng Albirea kung hindi dalawa. Ang bayan ng Callia at Arcturo."

"Ano naman po kaya yung magiging dahilan ng pagtataksil ni Haring Junghoon sa bayan ng Callia? Hindi po ba pumayag si Haring Junghoon na makipagkaisa sa bayan na 'yan para mas lumakas yung pwersa laban sa bayan ng Arcturo? Kaya hindi gagawa ng kashitan si Haring Junghoon para kalabanin din po siya ng bayan ng Callia.", pabulong na tugon din ni Taehyung.

"Hindi natin batid ang nilalaman ng utak ng hangal na iyan. Paghandaan na lamang natin ang mga susunod na mangyayari, at kung paano siya pabababain sa kaniyang trono. Ako na ang bahala sa kaniyang tagapaglingkod. Tinitiyak ko na aamin siya sa lahat ng katotohanang nalalaman niya.", may bagong mga naiisip si Prinsipe Jungkook laban sa kapatid niya.

Habang nagkukwentuhan sina Taehyung at Prinsipe Jungkook, napansin sila ni Ginoong Seojoon kaya siya lumapit sa dalawa tsaka nginitian.

"Kamahalan? Ano't may pagkamaputla ang iyong mga labi? Mayroon ka bang karamdaman?", pabulong na tanong ni Ginoong Seojoon kay Prinsipe Jungkook.

"Wala po, Ginoo. Salamat po sa pag-aalala.", magalang na sagot ng Prinsipe sa kaniya.

Kay Taehyung naman sunod na nabaling yung atensiyon ni Ginoong Seojoon.

"Maayos ka lamang ba, anak?", pangungumusta niya kay Taehyung.

"Opo, Ama. Para namang hindi po tayo nagkikita? Kakatanong niyo lang po sa'kin niyan kanina lang, diba?", pabirong sagot nito sa kaniya kaya napangiti siya.

"Gusto ko lamang matiyak na palagi kang nasa maayos na kalagayan. Mukha namang nagsasabi ka ng totoo, at mukhang mas sumisigla ka sa piling ng mahal na Prinsipe? Nakatutuwa ang inyong pagkakaibigan na nabuo. Ngayon ay panatag na ako na magiging maayos ka lamang sapagkat kapiling mo si Prinsipe Jungkook.", salaysay ni Ginoong Seojoon habang nakangiti.

Napakunot yung noo ng Prinsipe dahil iba yung kutob niya sa sinasabi ng Ginoong Seojoon na hindi maganda.

"Mayroon po ba kayong nais na sabihin, Ginoo? Batay sa iyong mga salaysayin ay hindi maganda ang aking kutob.", sabat ng Prinsipe.

"Hindi naman habambuhay ay mamamalagi ako rito, kamahalan. Mayroon ding hangganan ang aking tungkulin gaya na lamang ng ibang mga naging punong mananalaysay rito. Ngunit hindi naman dahil rito ay iiwanan ko na ng tuluyan ang aking anak. Ang sa akin lamang ay panatag ako na sa sandaling mawala na nga ako rito ay batid ko na mayroon pang magmamahal at magmamalasakit kay Taehyung. Mahal na mahal ko ang batang iyan kaya naman hindi ko makakaya na mapahamak siya.", taos-pusong katwiran niya kay Prinsipe Jungkook.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon