Princess Joohyun's POV:
Nakangiti akong binabati ng mga mamamayan sa labas ng palasyo habang ako'y ipinapakilala ni Haring Junghoon sa kanila.
Maayos ang kalagayan ng mga mamamayan rito at wala akong nakikita na pagkakamali at kahirapan kaya naman panatag na ako na nasa maayos na pamumuhay nga ang bayan na ipinagkasundo sa amin.
Nasasakupan na rin ng bayan ng Callia ang mga mamamayan na ito kaya naman may pakielam na rin ako sa kanila.
"Magandang hapon po, Haring Junghoon at Prinsesa Joohyun. Ikinagagalak po namin kayong makilala. Nagagalak po kami na kabilang na po kayo sa bayang ito."
"Kay ganda po talaga ng inyong wangis. Nakatitiyak po kami na kay ganda rin ng wangis ng inyong magiging anak ng Hari, ang magiging susunod na tagapagmana ng bayang ito."
"Nananabik na kami na magkaroon kayo ng mga napakagagandang mga supling, kamahalan. Magagandang mga bagong lahi na kikilalanin ng ating bayan sa hinaharap na panahon."
Hindi maitago ng mga mamamayan ang kanilang galak na ako'y makilala nila.
"Darating ang sandaling iyan, ngunit hindi muna sa ngayon. Iginagalang ko ang nais ng aking asawa na ituon muna namin ang aming sarili sa pagpapalago pa ng bayang ito. Wala pa sa isipan niya na ako'y bigyan ng mga nakakagiliw na mga supling kaya naman hindi ko siya pinipilit.", nakangiting tugon ni Haring Junghoon sa kanila.
Gustuhin ko man na magkaroon ng mga supling, ngunit nagbago ang aking pangarap nang ikasal ako kay Haring Junghoon.
Sa ngayon ay hindi ko muna nais na magkaroon ng mga anak hanggat hindi ko pa nakikilala ng mabuti kung sino at anong uri ng hari ang aking asawa.
Hindi ko nais na mamana ng aking mga anak kung ano man ang hindi magandang katangian mula sa kanilang Amang Hari.
"Kay buting asawa naman po pala talaga ni Haring Junghoon? Iginagalang niya ang nais ng kaniyang asawa. Kasing busilak ng iyong puso ang namayapang si Haring Jaejoon.", magiliw na saad ng isang mamamayan sa kaniya.
Mabait naman siya sa akin at ibinibigay lahat ng aking pangangailangan.
Ni minsan ay hindi pa niya ako nasasaktan, at iyon ang mahalaga sa akin.
Ngayon ko mas nararamdaman at nakikita ang kabaitan na kaniyang tinataglay na ramdam na ramdam kong totoo.
Tunay nga ang kaniyang sinaad sa akin noon, na ako'y kaniyang iniibig kaya naman maalaga siya sa akin at tunay nga niya akong iginagalang.
"Nais mo ba nito, aking mahal?", katanungan ni Haring Junghoon sa akin nang itinuro niya ang isang tinapay na may naiibang mga kulay, "Matatamis ang mga ito na batid kong ibig mo.", nakangiti niyang salaysay sa akin.
"Kilala po sa paggawa ng mga matatamis na pagkain ang bayan na ito, kamahalan. Batid ko na maiibigan mo.", salaysay rin sa akin ng nagtitinda.
"Kung ganoon, pagbilhan po kami ng dalawampung piraso.", nakangiti kong tugon sa kaniya.
"Kay rami naman? Mauubos mo ba ang lahat ng iyan?", natatawang katanungan ni Haring Junghoon sa akin.
"Hindi lamang iyan para sa akin. Nais ko na pagdalhan sina Yoongi at Jennie. Baka nais din ng ating mga mananalaysay nito? Maging ikaw, kung nais mo?", maging siya ay aking inalok pati na rin ang aming mga mananalaysay na kasa-kasama ngayon na sina Namjoon, Seokjin at ang dalawa pa.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...