(tw // death, blood, violence)
Prince Jungkook's POV:
"Kamahalan?! Ang buwan!", natatarantang pagtawag sa akin ni Jimin mula sa labas ng aking silid.
"Ano't humahangos ka? Ano ang nagaganap?", aking katanungan tsaka ko siya sinundan hanggang sa makalabas kami ng aking tahanan.
Nanlaki ang aking mga mata nang masaksihan ko ang kulay ng buwan.
Magsisimula na nga ba ang digmaan?
"Kamahalan? Pinapatawag po kayo ng mahal na hari sa gagawing pagpupulong!", maging si Prinsesa Jennie ay lubhang natataranta na rin nang ako ay tawagin.
"Susunod ako.", aking kasagutan.
Ibinalik ko muna ang aking sandata sa aking silid tsaka ako lumabas muli ng aking tahanan hanggang sa maabutan ko si Jisoo na mukhang nangangamba habang papunta sa akin.
Mayroon siyang hawak-hawak na kasulatan na hindi niya mabitawan.
"Batid mo ba kung na saan si Taehyung? Nais ko na maipadala siya sa silid-paglilitis upang siya'y litisin ng aking kapatid na hari sa sandaling matapos ang aming pagpupulong.", aking salaysayin kay Jisoo.
"Kamahalan? Hindi ko po.. batid kung na saan si Taehyung? Maging ako ay naghahanap sa kaniya ngunit.. ang kasulatan na lamang na ito ang aking natagpuan sa loob ng silid-tanggapan.", mayroon siya ini-abot sa akin na kasulatan ngunit hindi ko binasa.
"Ipapabasa ko ito kay Jaehyun sa pagpupulong. Ang mahalaga ay mahanap natin si Taehyung. Hindi siya maaaring makatakas. Pagbabayaran niya ang lahat ng ito.", nagsimula na kaming maglakad patungo sa silid-pagpupulong.
Dala-dala ko na rin ang taktika na inilimbag ng aking ama noon na magagamit namin sa darating na digmaan, at ito na nga iyon.
"Hindi mo matatakasan ang iyong kataksilang nagawa, Taehyung. Magbalik ka na rito kung hindi mo nais na maragdagan pa ang galit ko sa iyo. Harapin mo ang iyong kaparusahan.", kahit na galit na galit ako kay Taehyung, bakit sa puso ko ay hindi ko siya nais na parusahan?
Ano't may bumubulong pa rin sa akin na hinding-hindi niya iyon kayang gawin?
Mayroong bumubuyo sa aking isipan na hindi niya kayang manakit ng kahit na sino dahil sa ilang buwan naming pagsasama rito ay nakilala ko na siya.
"Mahal na Bathala? Ano itong bumabagabag sa akin? Bakit hindi ninyo ako hayaan na mapuno ng galit kay Taehyung? Siya ang kumitil sa aking ama at nagtaksil sa akin, ngunit bakit hindi ninyo ako hinahayaan na mamuhi ng lubusan sa kaniya? Kailangan niyang mapagbayaran ang lahat ng ito. Amang Hari? Gabayan ninyo ako ng makapangyarihang Bathala sa gagawin ko kay Taehyung. Nais kong mabigyan ng katarungan ang iyong pagkasawi.", mabigat na mabigat sa aking kalooban na parusahan si Taehyung ngunit gagawin ko ito bilang isang Prinsipe ng bayan ng Albirea.
•~•
Natapos na ang aming pagpupulong, at tunay nga na ibinigay na ni Taehyung kay Jisoo ang kaniyang katungkulan bilang Punong Mananalaysay.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfica filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...