Chapter 61

95 7 2
                                    

"Junghoon?! Anong kamangmangan ito?!", pabulong na tanong ng Reyna Sohyun at bakas sa kaniya yung galit.

"Hindi ko batid kung sino ang gumawa ng liham na iyan! Ano ba ang malay natin?! Marahil ay mayroong isang tao ang nais akong pabagsakin at gumawa siya ng isang kasulatan na ganiyan upang ako ay siraan?! Huwag kayong basta na lamang maniniwala sa nilalaman ng sulat na iyan! Hindi ako ang nagsulat niyan!", pagsisinungaling ni Haring Junghoon pero nanginginig na siya sa takot.

Lumapit si Prinsipe Jaehyun sa tagapaglingkod ni Haring Junghoon tsaka niya hinila pababa tsaka sila gumitna.

"Siya ang isa sa pinakamahalagang saksi kung anong mga kalapastanganan ni Haring Junghoon sa ating lahat, lalo na sa bayang ito. Sinasabi ni Haring Junghoon na hindi kaniya ang kasulatan na iyan? Tagapaglingkod? Ilabas ang mga kasulatan na magpapatunay na sulat kamay nga ni Haring Junghoon ang kataksilan na liham na hawak ng Hari ng bayan ng Callia.", matapang niyang utos, "Taehyung? Ilahad mo ang kasulatan ng tagapaglingkod ni Haring Junghoon na magpapatunay ng kaniyang salaysayin at basahin mo sa harap ng lahat."

"Jaehyun?! Ano ang ginagawa mo?!", sigaw ng reyna sa kaniya nung napatayo siya.

"Patawad, ina. Hindi ko na kaya na kunsintihin ang kabaluktutan ni Haring Junghoon. Hindi ko na rin kaya na makita ang pagpapahirap ninyo kay Jungkook kaya gagawin ko ito para maparusahan na ng parusang kamatayan si Junghoon.", matapang niyang sagot, "Taehyung? Basahin mo na."

Naglakad papunta sa harap si Taehyung tsaka niya nilabas yung kasulatan ng tagapaglingkod ni Haring Junghoon na si Prinsipe Jungkook ang nagtago.

Hinanap ito ni Taehyung bago sumama sa piging ni Haring Junghoon.

"Ako, si Ginoong Manseok, ang tagapaglingkod ni Haring Junghoon na noon ay tagapaglingkod ng namayapang Haring Jaejoon. Isasalaysay ko sa kasulatan na ito ang aking buong nalalaman patungkol sa pagtataksil ni Haring Junghoon sa lahat ng mga bayan na umaanib sa bayang ito. Siya ang may pananagutan sa pagkakasakit ni Haring Jaejoon sa pamamagitan ng paggamit ng halamang nakalalason na siya mismo ang nag-aangkat sa bayan ng Arcturo. Sandata rin niya ang ginamit sa pagpaslang kay Haring Jaejoon dahilan ng kaniyang walang awang pagkasawi. Inutusan niya na dalhin sa ibang bayan ang mga mamamayan ng bayan ng Albirea na walang sapat na salapi upang mamuhay rito dahil siya rin ang naging sanhi ng kanilang kahirapan at ang mga nanatili lamang sa bayang ito upang mamuhay ng masagana ay ang mga kamag-anak ng mga kasapi ng pamahalaan. Mga kasapi ng pamahalaan na nakikinabang sa pagnanakaw ng mga buwis ng mga manggagawa kaya mas lalo silang naghirap. Binabalak rin ng Haring Junghoon na ipalaganap na isa iba't-ibang bayan ang mga halamang nakalalason upang tulungan ang bayan ng Arcturo na kumita ng malaking salapi upang makipagkasundo sa kanila.", pagkakabasa ni Taehyung ng kasulatan ng tagapaglingkod ni Haring Junghoon.

"Kasinungalingan! Sandata ko?! Ano ang inyong patunay?! At ano ang patunay niyo na ako ang nag-aangkat ng mga halamang nakalalason kung natagpuan ng lahat ito na galing ito mismo sa tahanan ni Jungkook?!", napatayo na rin si Haring Junghoon habang sumisigaw.

Tumayo si Prinsipe Jungkook mula sa pagkakaluhod tsaka siya ngumisi.

"Jisoo? Ilabas ang sandata.", utos niya kaya nagpunta rin sa gitna si Jisoo tsaka niya binato yung sandata sa sahig na putol yung talim.

"Nagpapatawa ka ba? Paano mong masasabi na sa akin nga sandata iyan? Isang putol na sandata na walang magagawa upang pabagsakin ako.", natatawa pang sabi ni Haring Junghoon tsaka siya tumawa.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon