Chapter 10

152 7 0
                                        

(tw // blood, sword, violence)

Sinusubaybayan ko ang ginagawa ni Taehyung sa katas ng kamatis na ipapainom niya sa akin.

"Nakatitiyak ka ba na magiging mahimbing ang aking pagtulog sa oras na aking inumin iyan?", reklamo ko sa kaniya.

"Yezzer~ (Yes sir~)", hindi ko naunawaan ang kaniyang tinuran.

"Kung anu-ano na lamang wika ang iyong binibigkas. Hindi kita maunawaan. Umayos ka ng mga binibitawang salita sa akin, Taehyung. Hindi ako nagagalak sa iyong pagsagot.", yamot kong tugon.

Hinalo na niya ang mga katas ng kamatis maging ang ibang sangkap tsaka niya inabot sa akin ito habang nakasalin ito sa aking baso.

Akin munang inamoy ang kaniyang ginawa tsaka ko ito tinikman.

"Ano po? Maayos naman yung lasa no?", katanungan niya habang naghihintay ng akin tugon.

Hindi mapagkakailang masarap nga ito.

Hindi ito ang inaasahan ko na magiging lasa ng katas na kaniyang ginawa.

"Hindi na masama.", pagsisinungaling ko ngunit nagustuhan ko talaga.

"Pero masarap?", hindi talaga mapigil ang kaniyang pangungulit.

"Hindi ganoon kasarap. Sapat lamang upang aking ubusin.", aking sagot sabay lagok ng katas ng kamatis.

"Hintayin mo lang. Maya-maya niyan, mahimbing na po yung tulog niyo. Makakatulong din kung lilibangin mo yung sarili mo sa pagbabasa hanggang sa antukin ka o kaya.. magbilang ka ng mga unicorns sa hangin hanggang isang daan.", mga mungkahi niya sa akin.

"Kay rami mo namang ipinapagawa? At ano ang unicorn?", panibagong salita na naman mula sa kaniya ang hindi ko maunawaan.

"Puting kabayo na may iba't-ibang kulay ng buhok, kamahalan. Tapos, may isang mahabang sungay na patulis sa bandang noo.", mayroon bang nabubuhay na ganoong kabayo?

"Magbabasa na lamang ako. Hindi ko magawang ilarawan sa aking isip ang unicorn na iyong sinambit.", nilisan ko na siya at ako'y nagtungo na sa aking silid.

Nasa labas lamang siya ng aking pintuan habang nagbabantay.

Mayroon na naman siyang isinasalaysay sa kaniyang aklat-talaan.

Kinuha ko ang aking aklat na nakapatong sa ibabaw ng aking lalagyanan ng mga kasuotan.

Ang aklat na mayroon ako ay inilimbag noong sampung taong gulang pa lamang ang aking ama, at ang kwento ng aklat na ito ay patungkol sa unang digmaan na naganap sa bayan ng Albirea at bayan ng Arcturo noong panahon pa ng mga magulang ng aming mga ninuno.

Apat na salinlahi na ang nagdaan mula ng magkaroon ng katahimikan sa dalawang bayan, ngunit kahit na ganoon ay hindi pa rin nagpapakakampante ang aking amang Hari sapagkat hindi namin batid ang kapalaran ng bawat isa.

Tanging ang makapangyarihang Bathala lamang ang nakakaalam, at ayon sa pangitain ng mga nakatatandang manghuhula, sa pagdating ng araw na magkulay dugong muli ang bilog na buwan, magaganap ang ika-dalawang digmaan sa aming bayan at bayan ng Arcturo.

Muling dadanak ang dugo sa magaganap na agawan ng bayan at marami ang masasawi dahil sa pamumuno ng isa sa mga anak ng mahal na hari ng Albirea.

Hindi ko batid kung isa sa aming magkakapatid ang binabanggit sa pangitain o ang mga susunod naming salinlahi?

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon