Prince Jaehyun's POV:
Lumabas ako ng aking tahanan ng maaga sapagkat nais kong magpaaraw.
Ito ang aking gawain sa umaga.
"Mahal na Prinsipe? Wala po ba kayong pagsasanay ngayon? Ano't narito pa po kayo?", katanungan sa akin ni Jimin.
"Wala. Araw ngayon ng aking pagpapahinga pagsapit ng araw ng Linggo.", aking tugon.
"Araw kasi ng kaniyang pagsasanay sa paggamit ng sandata sa araw ng Lunes, Martes at Miyerkules. Kapag Huwebes, Biyernes at Sabado naman, araw ng kaniyang pagsasanay sa pagguhit.", paliwanag ng aking tagapaglingkod sa kaniya na si Ginoong Dokjin.
"Batid na po namin ngayon ang iyong talatakdaan. Ngunit kamahalan, maaari po ba akong magtanong?", si Hoseok naman ngayon ang nagkaroon ng katanungan.
Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Bakit po kayo biglang lumisan sa inyong pagsasanay kahapon at muling nagbalik noong nakausap na ninyo si Taehyung? Ang akala ko po ay ang mahal na Prinsipe Jungkook ang inyong sadya ngunit hindi man lamang po kayo nagkausap?", kay rami niyang katanungan ngunit hindi ko naman iyon minamasama.
Batid kong hindi pangkaraniwan ito at batid ko rin na hindi nila ako maiintindihan, ngunit unang kita ko pa lamang kay Taehyung ay bigla akong napangiti.
Una ko siyang nakita noong araw ng aking kaarawan, sa piging noong gabi na iyon.
Napakasaya at napakagaan ng aking naramdaman noong gabing iyon habang pinapanood siya na nakikisalamuha sa kaniyang mga kamag-aral bilang mananalaysay.
Ang kaniyang ngiti, ang kaniyang mga mata, hindi ko mawari ngunit mayroon akong naramdaman na kakaiba.
Batid kong pareho kaming lalaki, ngunit bakit ko naramdaman sa kaniya iyon?
"Kamahalan? Ano't namumula ang iyong pisngi?", panunukso sa akin ni Ginoong Dokjin kaya't napatingin rin sina Jimin at Hoseok sa akin.
Hinawakan ko ang aking pisngi at nararamdaman ko na nag-iinit ito.
"Tunay ba? Hindi ko rin batid kung bakit?", naguguluhang katanungan ko.
"Hindi kaya.. mayroon kayong nararamdaman?", nanlaki ang aking mga mata sa katanungan ni Jimin.
"Anong nararamdaman? Ano ang iyong ibig sabihin?", biglaan kong kasagutan.
"Nararamdaman na hindi maganda, kamahalan? Mayroon po ba kayong sakit? Magpapatawag na po ba kami ng manggagamot?", pag-aalala niya.
Ang akala ko naman ay kung bakit?
"Taehyung?", narinig kong pagtawag ni Hoseok kaya naman hinanap siya agad ng paningin ko.
"Magandang umaga.", nakangiti niyang pagbati kina Hoseok, "Magandang umaga po, Prinsipe Jaehyun.", mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti at luniwanag ang mga mata noong ako na ang kaniyang binati.
Naglakad siya palapit sa aming gawi.
"Magandang umaga rin, Taehyung. Kumusta ang unang araw mo bilang isang mananalaysay ng aking kapatid? Hindi ba naging mahirap?", nagtataka lamang kasi ako sapagkat ang ganda-ganda ng kaniyang mga ngiti.
Ngayon lamang ako nakasaksi ng isang mananalaysay ni Jungkook na nakangiti ng ganito.
"Sa totoo lang, mahirap po pero sabi ko nga kakayanin ko. Masungit nga lang po talaga tsaka mapanlait pero kayang-kaya ko naman po siyang pagtiisan.", natawa ako sa kaniyang tinuran sapagkat totoo naman lahat.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...