(tw // violence, death)
Kinabukasan, nahatulan na ng parusang kamatayan ang mga kasapi ng pamahalaan na kasabwat ng namayapang Haring Junghoon habang si Reyna Sohyun naman ay nagpapagaling pa at parang nawawala na sa kaniyang sarili.
Napalitan na sila ng mga bagong kasapi ng pamahalaan galing sa bayan ng Callia.
Sina Namjoon at Seokjin naman ay inilipat na sa ibang bayan upang doon magsilbi bilang mga bagong mananalaysay.
Naluklok na bilang bagong Hari si Prinsipe Jaehyun at napagpasiyahan na nila ng Hari't Reyna ng bayan ng Callia na ikasal kay Prinsesa Joohyun sa araw agad ng bukas.
"Ang daming nangyari kahapon dito sa bayan na 'to. Masyadong mabigat. Sana.. sana wala ng kasunod. Sana maging payapa na lang palagi.", kwento ni Taehyung habang naglalakad-lakad sila ni Prinispe Jungkook at Jisoo papunta sa mga palaso para mag-ensayo.
"Siyang tunay, Taehyung. Ngunit, hindi pa rin nagbabago ang kulay ng buwan. Kulay kahel pa rin ito kaya naman nakakapangamba pa rin.", sagot ni Jisoo.
"Kaya naman ihanda natin ang ating mga sarili at kinakailangan nating matuto na gumamit ng mga sandata't palaso upang makalaban tayo sa sandaling matuloy ang digmaan laban sa ating bayan at bayan ng Arcturo.", kwento naman ni Prinsipe Jungkook sa kanila.
"Palaso lamang ang hindi ko kayang gamitin, kamahalan. Sanay po ako sa paggamit ng sandata.", hindi inaasahan ni Prinsipe Jungkook yung maririnig niya kay Jisoo.
"Hindi ba't hindi ipinahihintulot sa mga kababaihan ang paggamit ng sandata? Tanging bayan lamang ng Callia ang batid ko na gumagamit ng sandata ngunit.. sina Prinsesa Joohyun at Prinsesa Jennie lamang ang may kakayanang gumamit.", mga tanong ni Prinsipe Jungkook.
"Lumaki po ako sa bayan ng mga babaylan, kamahalan. Ako na lamang ang natitirang buhay sa aming mga lahi sapagkat.. pinagpapaslang sila noon ni Reyna Sohyun dahil sa hula nila na ang magliligtas sa bayan na ito at sa iba pang mga bayan ay ang bunsong anak ng namayapang Haring Jaejoon. Ang aking ina.. siya ang iyong naging mananalaysay noon na nagturo sa iyo ng lahat ng kaniyang mga nalalaman at ang nagpakilala sayo ng mga aklat na batid nating hindi pinahihintulutan na mapasakamay ng kahit na sino.", napakunot yung noo ni Prinsipe Jungkook dahil may bigla siyang naalala.
Yung mukha ni Jisoo at yung mukha ng dati niyang mananalaysay.
"Ibig sabihin, hindi lamang nagkataon na.. magkawangis kayo ng aking mananalaysay noon? Na saan siya? Buhay pa ba siya? Nais ko siyang makitang muli.", napayuko si Jisoo nung hinanap ng prinsipe sa kaniya yung nanay niya.
"Namayapa na po dahil sa malalang karamdaman ang aking ina, mahal na Prinsipe. Wala na po si Ina.", malungkot na balita niya kaya pati si Prinsipe Jungkook, nalungkot din.
"Kamahalan? Maaari ba kaming sumama sa inyong pagsasanay?", napalingon silang tatlo nung may tumawag kay Prinsipe Jungkook.
Si Jimin at Prinsipe Yoongi, may mga hawak na sandata at sasama sa kanila para mag-ensayo.
Matagal na kasing napagplanuhan ni Jimin at Prinsipe Yoongi na tuturuan niya 'to na gumamit ng sandata at sakto naman na mage-ensayo din sina Taehyung kaya gusto na nilang sumabay.
Nakwento din kasi ni Taehyung kanina kay Jimin na mage-ensayo sila.
"Maaari naman. Halika?", pagsang-ayon ni Prinsipe Jungkook kaya hinintay na nila sina Jimin para sabay-sabay ng makarating sa lugar ng pagsasanay.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...
