Chapter 63

93 5 0
                                    

(tw // blood, violence, death)

3rd Person's POV:

Magkakasama sina Prinsipe Jaehyun at Reyna Sohyun upang ipakita sa lahat ng mga mamamayan ng bayang ito ang kaparusahan na ipapataw kay Haring Junghoon.

Kasama nila ang Hari ng bayan ng Callia kaya naman labis ang kaba ni Reyna Sohyun.

Kasama rin nila si Prinsipe Jungkook pero pangmananalaysay yung damit niya dahil di siya pwedeng makilala bilang Prinsipe.

Wala naman sa piging na ito si Ginoong Seojoon dahil lumabas siya ulit ng palasyo at may pinuntahan.

Napapagitnaan si Haring Junghoon ng mga mamamayan na gulat na gulat sa mga nangyayari, at kitang-kita na nagbubulungan sila.

"Ilabas na ang lason.", kautusan ng Reyna sa mga kawal tsaka nila ipinatong ang lason sa hapag sa harap niya.

"Ina? Bakit?", naluluhang katanungan ni Haring Junghoon habang nakatitig sa Reyna.

Napalingon si Prinsipe Jungkook sa Reyna at tinitigan ang kaniyang wangis.

Batid ni Prinsipe Jungkook na nagpipigil siya ng luha habang nakatitig sa kaniyang anak ng walang damdamin.

"Hindi kita anak, Junghoon. Dahil sa iyong ginawa, inilalagay mo sa kapahamakan ang bayang ito. Kaya ngayon, papatawan kita.. ng kaparusahang.. k-kamatayan.", ramdam niya na nais ng tumangis ng Reyna ngunit pinipigil lang niya.

"Ngunit may pananagutan ka rin rito, hindi ba?! Ikaw ang nag-utos sa akin na gawin ang lahat ng ito! Bakit ako lamang ang naririto upang maparusahan?!", pasigaw na pangangatwiran ni Haring Junghoon tsaka siya tumayo mula sa pagkakaupo, "Ano't ako lamang ang naiipit?! Ano't itinatatwa mo na lamang ako bigla?! Dahil ba hindi mo na ako mapapakinabangan?! Hindi maaaring ako lamang ang magdusa!"

Bigla na lang siyang tumakbo papunta sa isang kawal at inagaw ang sandata nito.

Pinaslang niya ang kawal tsaka siya lumapit sa Reyna upang tutukan ng sandata.

"Junghoon?! Huwag mong sasaktan si Ina!", pagpigil ni Prinsipe Jaehyun.

"Kung mapapaslang ako, isasama na kita.", bakas ang panggigigil ni Haring Junghoon habang dahan-dahan niyang itinatarak sa dibdib ng Reyna ang kaniyang sandata.

Napatayo si Prinsipe Jaehyun sa kaniyang pagkakaupo dahil sa biglaang ginawa ng kapatid niya sa kaniyang ina.

"Junghoon?! Tama na!", inaagaw ni Prinsipe Jaehyun kay Haring Junghoon ang sandata ngunit mas lalo niya itong itinarak sa Reyna at mayroon ng lumabas na dugo sa kaniyang bibig.

Pagtanggal niya ng sandata sa Reyna, kay Prinsipe Jaehyun niya naman ito itinapat kaya kinuha ni Prinsipe Jungkook yung sandata ni Prinsipe Jaehyun at nilaslas ng malalim ang likuran ni Haring Junghoon.

Napatumba siya dahil sa sakit kaya nasagip ni Prinsipe Jungkook si Prinsipe Jaehyun samantalang ang Reyna ay napahiga na dahil sa sakit at paghahabol ng paghinga tsaka siya inalalayan ni Prinsesa Joohyun upang tulungang makabangon.

"Ano ang ginawa mo kay Ina, Junghoon?!", ramdam ni Prinsipe Jungkook ang galit ni Prinsipe Jaehyun kaya naman inagaw nito sa kaniya ang sandata niya at itinarak din iyon sa dibdib ni Haring Junghoon at tumagos sa likod niya ang sandata.

Napakapit si Haring Junghoon ng mariin sa magkabilang balikat ni Prinsipe Jaehyun habang dumuduwal siya ng dugo.

"T-taksil. Mga.. mga taksil. Hindi dito.. magtatapos.. a-ang lahat.", natatawang tugon ng hari tsaka siya dahan-dahang napaluhod at matumba.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon