"Taehyung?! Gumising ka na! Sasama ka sa amin nina Prinsipe Jaehyun hindi ba?!", naririnig kong sigaw ni Jimin sa labas ng room ko.
Bumalikwas ako ng bangon sa kama ko tsaka ako naghilamos and nagtoothbrush.
"Eto na! Papunta na!", nagmamadali kong sagot bago ako lumabas.
Paglabas ko, nagulat pa si Jimin sa'kin pero di ko alam kung bakit?
"Mayroon ka bang sakit? Bakit ganiyan ang iyong mga mata? Kay itim ng ilalim ng mga mata mo, Taehyung?", eyebags ba yung ibig niyang sabihin?
Di na 'ko magtataka.
1 a.m. na 'kong nakatulog kagabi.
Nakipagbuno muna kasi ako kay Prinsipe Jungkook bago ako umuwi sa room ko at matulog.
Pinagalitan ba naman ako pagbalik ko sa palasyo na akala mo tatay ko?
Kung makasermon, dinaig pa si Mama.
Edi syempre, suyo-mode naman kami sa isa't-isa kasi maiinis lang ako kapag nagkasama kami ng hindi kami okay.
Ang lakas-lakas niya pa namang mambwisit ng araw kapag tinotopak.
"Saan kayo patutungo? Bakit kasama si Taehyung?", tanong ni Jisoo sa'min.
"Tutungo kami sa labas ng palasyo kasama si Prinsipe Jaehyun, Jisoo. Magpapakain raw kami ng mga bata. Nandiyan ka naman kaya ikaw na muna ang magsalaysay sa mahal na Prinsipe Jungkook.", sagot ni Hoseok sa kaniya.
"Sasama ka sa kanila? Mag-iingat ka kung ganoon. Ipapaalam ko na lamang kay Prinsipe Jungkook na mawawala ka panandalian. Ako na ang bahala sa Prinsipe, Taehyung.", good mood na sabi ni Jisoo sa'kin.
Ang ganda yata ng mood niya ngayon?
Anong meron?
"Nariyan na pala kayo? Sa labas na tayo mag-agahan. Mayroon akong alam na kainan roon at doon na tayo kumain. Para na rin matulungan natin ang kainan roon sa kanilang hanap-buhay.", nakangiting bungad ni Prince Jaehyun sa'min.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...