Tulala ako habang pinapanood yung mga Prinsipe sa pagpa-practice nila sa paggamit ng sword.
Iniisip ko kung alam na ba ni Prinsipe Jaehyun na nanggaling sa clinic yung tatay niya, na may sakit yung hari?
Mahal ni Prinsipe Jaehyun si Haring Jaejoon kaya panigurado ako na mag-aalala siya kapag nalaman ng Prinsipe yung kalagayan niya.
"Ano't lumiliksi ka na rin sa paggamit ng sandata? Talagang nais mo akong mapantayan sa larangang ito, ano?", maangas na tanong ni Prinsipe Jungkook kay Prinsipe Jaehyun sabay smirk.
"Tunay ang iyong sinabi. Nais ko na mapantayan ang husay mo sa paggamit ng sandata, nang sa ganoon ay mas mapangalagaan ko pa ang bayan na ito, ganoon din ang tao na pinakaminamahal ko, at ang aking magiging kabiyak sa hinaharap na panahon.", kalmadong response ni Prinsipe Jaehyun.
"Kabiyak? Si Prinsesa Joohyun ba ang iyong tinutukoy? Kailan ka pa nagkaroon ng pakielam sa iyong magiging kabiyak na pasiya ng ating kaharian at kaharian ng Callia? Nagpapatawa ka ba?", kilalang-kilala talaga ni Prinsipe Jungkook si Prinsipe Jaehyun.
Inayos nilang dalawa yung posture ng mga sword nila sa kamay nila bago sila bumalik sa pagpa-practice.
"Napakapalad ngang talaga ni Prinsesa Joohyun, ano? Sapagkat kay Prinsipe Jaehyun siya maibubuklod.", daldal ni Jimin.
"Tama ka, Jimin. Sadyang napakapalad ni Prinsesa Joohyun, ngunit mas mapalad si Prinsipe Jaehyun sapagkat hindi siya sa isang mananalaysay lamang babagsak.", sabat ni Jisoo kaya napatingin ako, "Isang mananalaysay na walang ibang maidudulot sa kaniya kung hindi ang kapahamakan."
Ayoko na lang magreact kasi makakahalata sila na may something na sa'min ni Prinsipe Jaehyun, pero nasa ligawan stage pa lang naman.
"Hindi na ako makapaghintay na maikasal silang dalawa at maging bahagi na ng bayan na ito si Prinsesa Joohyun. Magkakaroon na rin ng mabuting Reyna ang bayan na ito kapag naganap na ang araw na iyon.", pagpaparinig ni Seokjin pero kami-kaming mga historians lang naman yung nakakarinig.
"Parehong mabubuti ang kalooban ng mga susunod na salinlahi kaya naman mas kapanapanabik ang kanilang pagkakaluklok bilang susunod na Hari at Reyna ng Albirea.", daldal ni Hoseok.
Madami talagang may gusto na silang dalawa yung magkatuluyan.
Kahit naman ako, nakikita ko na maganda yung magiging future ng bayan ng Albirea kapag silang dalawa na yung mamumuno ng bayan na 'to.
Hindi nga lang nabigyan ng justice yung pagiging hari tsaka reyna nila base sa History book na nabasa ko kasi nga hindi naman magtatagal sa panunungkulan si Prinsipe Jaehyun bilang hari.
Madadamay pa si Prinsesa Joohyun sa mga mangyayaring kataksilan kay Prinsipe Jaehyun para madethrone.
"Kamahalan?", pagbibigay galang ng tagapaglingkod ni Haring Jaejoon sa kaniya habang nasa kalagitnaan siya ng panonood sa mga anak niyang Prinsipe, "Mayroon pong ipinahahatid na liham sa inyo ang Hari ng bayan ng Callia."
Pagtanggap ng hari, binasa niya agad, at pagkatapos niyang mabasa yung sulat, pinatigil niya sa pagpa-practice sina Prinsipe Jaehyun.
"Maghanda ang lahat. Magtutungo rito sa ilang sandali ang Hari at Reyna ng bayan ng Callia, maging ang kanilang mga anak. Magkakaroon kami ng pagpupulong kaya inaasahan ko ang lahat na magtungo sa silid pagpupulong maya-maya.", bibisita sila ulit dito.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...