Chapter 29

90 8 0
                                    

3rd Person's POV:

Magkasama si Haring Jaejoon at Ginoong Seojoon sa tahanan nito habang pinag-uusapan sina Prinsipe Jungkook, Prinsipe Jaehyun at Prinsipe Junghoon.

Pinagsilbihan si Haring Jaejoon ng mga tagapaglingkod niya ng tsaa na maiinom habang nag-iisip.

"Batid mo at saksi ka kung paano ko pinalaki ang aking mga anak, Seojoon. Batid ko ang kanilang mga talino at kakayahan lalo na sa pakikipagdigma. Nang magkaroon ng hindi inaasahang pananalakay sa bayang ito dalawang taon na ang nakakalipas, matapang na inalay ng aking tatlong Prinsipe ang kanilang mga buhay upang hindi na magtagal ang digmaan at mas marami pa sa mga kawal ang masawi.", kwento ni Haring Jaejoon sabay higop ng tsaa niya.

"Opo, kamahalan. Nasaksihan ko kung paano nila handang ibuwis ang kanilang mga buhay noong mga panahon na iyon, lalo na si Prinsipe Jungkook. Wala po siyang pakielam kung mawangisan siya ng mga kaaway at mapahamak sa kalagitnaan ng laban mapagtanggol lamang niya ang bayang ito. Sa pamamagitan ng kaniyang katalinuhan at taktika, nalinlang ang mga kaaway at naubos sila. Si Prinsipe Junghoon naman po, kahit buhay niya ang kapalit ay makikipagsagupa siya, mapaslang lamang silang lahat. At para kay Prinsipe Jaehyun, mas inuuna niya ang kapakanan ng mga kawal kaya handang-handa siya na manguna kahit kamatayan na ang kaharap niya.", kwento ni Ginoong Seojoon sa hari.

"Ang akala ko ay magtutuloy-tuloy ang digmaan na iyon. Mabuti na lamang at nagwakas agad. Kung hindi dahil sa pagiging tuso ni Jungkook at kung hindi niya nagamit ang kaniyang talino, hindi pa natin mababatid na ang isang Prinsipe lamang ng kaharian ng Arcturo ang nagpasya ng digmaan na sinunod naman ng kanilang mga kawal. Kung masyado tayong nagpadala sa mga sapantaha na wala namang sapat na katibayan upang paniwalaan, malamang ay dumaan na tayo sa isang matinding digmaan na kikitil sa buhay ng nakararami.", namangha si Haring Jaejoon sa katalinuhan ni Jungkook nung mga panahong 'yon.

Nagtiwala ang Hari sa taktika ni Jungkook nung natapos na ang maiksing digmaan dahil gusto nilang malaman kung ang hari ang nagnais at nagbigay ng hudyat para makipagdigmaan na sa bayan ng Albirea.

Kung tuso ang Hari at mga Prinsipe ng bayan ng Arcturo, doble o triple naman ang pagiging tuso ni Prinsipe Jungkook sa kanila.

Pagkatapos kasi ng digmaan, matapang na lumabas si Prinsipe Jungkook nung gabi na 'yon sakay ng kabayo tsaka siya pumuslit sa main entrance ng bayan ng Arcturo para magnakaw ng kasuotan ng mga kawal na nagbabantay sa labas.

Pinaslang niya yung kawal at tinangay sa hindi madaling mahanap tsaka niya sinuot yung kasuotan 'non.

Walang sino man yung nakakita o nakarinig sa kaniya.

Dahil wala ngang nakakakilala sa wangis ni Prinsipe Jungkook kasi nakamaskara siya the whole time ng digmaan, nakasama siya sa pagpasok sa loob ng palasyo ng Arcturo kasama ng Hari at dalawa nitong Prinsipe.

Sa kalagitnaan ng paglalakad nila sa hallway, sinampal ng Hari ng Arcturo yung isang Prinsipe dahil sa kapalpakan na ginawa niya.

"Hindi mo ginagamit ang iyong pag-iisip! Ano't gumawa ka ng sarili mong pasiya at dinamay mo ang mga kawal?! Batid ko na malaki ang galit ng ating angkan sa angkan nina Haring Jaejoon, ngunit hindi para magbigay ka ng kautusan na sumugod ang mga kawal roon at magtalaga ng digmaan ng hindi pinag-isipan!", galit na galit yung Hari sa kaniya.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon