Chapter 69

69 5 1
                                    

(tw // death, violence)

Napatakbo si Haring Jaehyun sa silid ng mahal na Reyna Sohyun at naabutan niya si Prinsipe Jungkook na nakatayo habang lumuluha ngunit matalim ang titig niya sa reyna.

Galit na ang nangingibabaw kay Prinsipe Jungkook ngayon kaharap niya ang reyna dahil sa naging pag-uusap nila bago ito tuluyang manghina at mawalan ng malay.

"Ano ang ginawa mo kay ina?!", sigaw ng hari sa prinsipe tsaka niya 'to hinawi ng malakas para puntahan si Reyna Sohyun, "Ina?! Imulat mo ang iyong mga mata! Nakikiusap ako!", wala ng tigil ang pagtangis ng hari habang ginigising ang kaniyang ina.

Napasugod rin si Prinsesa Jennie at Prinsesa Joohyun sa tahanan ng reyna dahil sa nalaman nila.

Pinapanood nila kung paano lunasan ng mga manggagamot ang reyna.

"Jungkook?! Ano ang naganap?! Ano't hindi nagmumulat si ina?!", mga takot na tanong ng hari kay Prinsipe Jungkook.

Di makapagsalita ang prinsipe at tanging pagyukom lang ng kamao yung ginawa niya.

Lumabas si Prinsipe Jungkook ng walang salitang binibitawan, at paglabas niya, naisip niya bigla si Taehyung kung kumusta na ba 'to o kung ano na yung lagay niya.

Pero dahil pinili niyang magpalamon na lang sa galit, hindi na niya nagawang puntahan 'to o bisitahin sa silid manggagamot.

"Ano? Pumanaw na ang dating mananalaysay ni Prinsipe Jungkook?"

"Ganoon ang aking narinig kanina nang nilulunasan siya sa silid-pagamutan."

"Kaawa-awa naman. Kay aga niyang pumanaw."

Mga pag-uusap ng ibang mga mananalaysay na narinig ni Prinsipe Jungkook habang papasok siya ng tahanan niya.

Napahinto siya sa narinig niya at napalingon sa mga mananalaysay na nag-uusap.

"Kamahalan?", pagbibigay galang sa kaniya ng mga mananalaysay.

"Ano ang inyong.. sinambit?", nauutal na tanong ni Prinsipe Jungkook sa kanila.

Nagtinginan muna yung dalawang mananalaysay bago sagutin yung tanong ng prinsipe.

"Ang inyo pong mananalaysay na si Taehyung.. pumanaw na raw po siya. Narinig ko lamang po kanina sa mga manggagamot na nagbibigay ng lunas sa kaniya na.. w-wala na raw pong pintig ang kaniyang pulso at puso.", pagsasabi nito ng totoo na nagpasugod at nagpatakbo agad kay Prinsipe Jungkook papunta sa silid-pagamutan.

Di na mapigil ng prinsipe yung pag-iyak niya habang tumatakbo hanggang sa makarating na siya kay Taehyung.

Naabutan niya si Jisoo na hawak-hawak yung pulsuhan ni Taehyung habang umiiyak.

"Tangi?! Tangi, gumising ka!", natatarantang paggising ni Prinsipe Jungkook kay Taehyung paglapit niya rito.

Tumabi ang prinsipe sa kaniya at nilagay ng prinsipe yung ulo ni Taehyung sa bisig niya at pinipilit gisingin.

"Nakikiusap ako! IMULAT MO ANG IYONG MGA MATA, TANGI! PAKIUSAP!", sumisigaw na si Prinsipe Jungkook dahil sobrang sakit na ng nararamdaman niya.

"Kung maaari ko lamang isalaysay sa mahal na prinsipe ang ipinagtapat sa akin ni Taehyung, gagawin ko na. Kung maaari ko lamang ipagtapat na nasa katawan pa rin na kaniyang hagkan-hagkan ang kaluluwa ng Taehyung na kaniyang iniibig, nasambit ko na sa kaniya.", mga salaysayin sa isip ni Jisoo habang umiiyak.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon