Bakit yung mga nakikita ko ngayon, parang wala naman 'to sa mga pinag-aralan namin sa History, lalo na yung pulang buwan na tinutukoy nung Amang kanina?
"Taehyung? Kanina pa naglilibot ang iyong paningin na waring ngayon ka lamang nakapunta rito?", tanong ni Hoseok habang naglalakad kami sa eskinita na may nagtitinda sa magkabilang gilid.
"Wag mo na lamang alalahanin ang sinabi ni Amang kanina. Ang akala lamang namin ay sinapian ka ng masamang kaluluwa ngunit ikaw pa rin naman 'yan. Naniniwala ako na ikaw pa rin si Taehyung.", dugtong ni Jimin sabay akbay sa'kin.
"Taehyung? Nakikinig ka ba sa amin? Bakit parang naglalayag ang iyong isipan?", tanong ni Namjoon sa'kin.
"Bago yata ito? Dati rati ay sandali pa lamang tayong naglalakad rito ay may natitipuhan ka na at may babae ng nakaaligid sayo?", talaga bang babaero ako sa paningin ni Seokjin?
Babaero ba talaga yung may-ari ng katawan na 'to?
Sabagay.
Di ko naman sila masisisi.
I'm not nagyayabang, pero gwapo naman talaga ako and maganda at the same time.
Pero never akong mambababae o manlalalaki.
Not my thing.
"Tinatamad ako eh. Pasensiya.", alibi ko.
Aaminin kong marami ngang magagandang babae dito, pero wala akong natitipuhan.
"Uh.. ano nga palang meron mamaya sa kabilang baryo? Anong party.. ibig kong sabihin, anong kasiyahan yung mangyayari mamayang gabi?", tanong ko sa kanilang apat.
"Pagdiriwang sa ika-dalawamput pitong kaarawan ng mahal na Prinsipe Jaehyun. Ilang buwan mula ngayon, ang Prinsipe Jungkook naman ang ipapakilala sa lahat at makikita na natin ang kaniyang wangis sa kaniyang ika-dalawamput limang kaarawan.", kwento ni Namjoon sa'kin.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...