Chapter 59

73 5 0
                                        

(tw // violence, blood, death)

3rd Person's POV:

Nakatayo sina Taehyung at Jisoo sa harap ng bangkay ni Ginoong Sunghyun na nakapatong sa ibabaw ng mahabang mesa kung saan may nakalaan ng kahon na paglalagyan sa kaniya bago sunugin.

Naiwan muna silang dalawa pansamantala para makita si Ginoong Sunghyun bago siya tuluyang magpaalam.

"Ginoong Sunghyun? Gising na po. Kailangan ka pa po ni Prinsipe Jungkook, parang awa niyo na? Ikaw na lang po yung natitirang ama sa kaniya kaya wag niyo po siyang iiwan. Bilis na. Gising na po kayo.", inaalog siya ni Taehyung sa braso pero di na talaga siya nagigising.

"Talaga po bang hinintay niyo lang yung kasal namin ni Prinsipe Jungkook bago kayo umalis? Kaya ba hindi na po kayo lumaban? Sobra-sobrang masasaktan si Prinsipe Jungkook kapag nalaman niyang wala ka na.", paghihinagpis ni Taehyung sa isip niya habang hawak yung braso ni Ginoong Sunghyun.

"Nawa'y magtagumpay si Prinsipe Jungkook sa kaniyang balakin, upang mabigyan na rin niya ng katarungan ang pagkamatay ni Haring Jaejoon at Ginoong Sunghyun na batid nating si Haring Junghoon ang mayroong tunay na pagkakasala.", humahagulgol rin na sabi ni Jisoo.

Binaling ni Taehyung yung tingin niya kay Jisoo tsaka niya hinarap.

"Alam mo? Alam mo lahat ng mga balak ni Prinsipe Jungkook?", mga tanong niya tsaka tumango si Jisoo, "Alam mong ikakapahamak niya 'yon, diba?! Bakit di mo siya pinigilan?! Paano kung hindi magtagumpay yung balak niya?! Paano kung maparusahan siya?! Ikakamatay niya 'yon, Jisoo!", di na niya mapigil yung galit niya kaya nasisigawan na niya 'to.

"Pinakiusapan niya ako, Taehyung. Inaamin ko na hindi lubos ang aking pagtitiwala sa kaniyang mga balakin, ngunit iyon na lamang rin ang naiisip ko na paraan upang mapababa ng trono si Haring Junghoon. Upang maparusahan siya sa kaniyang mga nagawang kataksilan sa bayan na ito.", hindi magawang magalit ni Jisoo dahil naiintindihan niya kung saan nanggagaling yung galit ni Taehyung.

"Baka naman dahil kakampi ka talaga ni Haring Junghoon? Baka naman nagtataksil ka talaga kay Prinsipe Jungkook kaya pumayag ka na lang sa balak niya? Ano bang malay natin? Baka sinasabotahe mo na lahat para si Prinsipe Jungkook yung maparusahan? Sa oras na may mangyaring hindi maganda sa asawa ko, ako na yung papatay sayo.", hindi inaasahan ni Jisoo yung mga pagbabanta na binitawan ni Taehyung sa kaniya.

"T-Taehyung? Maniwala ka. Kakampi ako ni Prinsipe Jungkook at hindi ko kailanman magagawang pinsalain ang kaniyang mga binabalak na makakatulong na ganap sa bayan na ito. Hindi ako ang kalaban mo rito kaya huwag kang magdamdam sa akin.", paliwanag niya.

Titig na titig si Jisoo sa mga mata ni Taehyung, na para siyang may nararamdamang hindi maganda.

"Taehyung? Hindi ikaw 'yan.", kinakabahang sabi ni Jisoo sa kaniya dahil nadadala si Taehyung ng galit at nakakapagsalita siya ng mga bagay na hindi naman talaga niya gustong sabihin.

Napalunok si Taehyung tsaka siya napayuko sabay punas ng mga luha.

Pumasok na sa loob ng silid yung dalawang tao na maglalagay kay Ginoong Sunghyun sa loob ng kahon tsaka na siya susunugin.

"Nais niyo pa bang sumama?", tanong nung isang nagbubuhat ng kahon.

"Opo.", sagot ni Taehyung tsaka sila sumunod ni Jisoo.

Nung nakarating na sila sa harap ng malaking kawan, sinagawa muna nila yung seremonyas bago ilagay si Ginoong Sunghyun sa nagbabagang kawan para sunugin.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon