Chapter 60

80 5 0
                                    

Malalim na malalim na ang gabi pero nasa harap pa rin si Taehyung ng kulungan habang nakaluhod.

Nanginginig na siya sa lamig dahil natuyo na siya na kanina ay basang-basa dahil sa malakas na ulan.

"Taehyung? Magbalik ka na rito, nakikiusap ako.", pabulong at alalang-alala na pagtawag ni Jisoo sa kaniya mula sa malayo, sa labas ng tahanan ng Prinsipe Jungkook.

Hindi niya maiwanan yung bahay ng Prinsipe dahil baka may ibang makapasok.

Habang sina Jimin, Hoseok, Namjoon at Seokjin naman, pinapanood din si Taehyung mula sa malayo habang nasa labas din ng kanilang silid ngunit malayo kay Jisoo.

"Kay putla na niya. Natuyuan na siya ng kaniyang kasuotan na kanina ay basang-basa pa. Magpapakamatay ba siya para lamang sa mahal na prinsipe?", mga nag-aalalang tanong ni Jimin.

"Nasaksihan naman natin kanina kung paano natunton ng mga kawal at ni Haring Junghoon ang mga halamang gamot na nakalalason sa tahanan ni Prinsipe Jungkook. Kumakampi na si Taehyung sa isang taksil? Kakampihan talaga siya ni Taehyung kahit na taksil ito?", kwento ni Namjoon tsaka siya napaismid dala ng inis.

"Unti-unti na talaga akong nahihikayat na paniwalaang mayroong namamagitan sa kanilang dalawa ni Prinsipe Jungkook. Isang pagtatangi na batid nating labag na labag sapagkat hindi pinahihintulutan na magmahalan ang mga mananalaysay at mga prinsipe.", sabat ni Hoseok.

"Hindi ko batid kung namamalikmata lang ba ako o tama nga ang aking nasaksihan kanina bago kami magbalik ni Namjoon rito? Mayroong singsing na suot si Taehyung na tanging mga prinsesa at reyna lamang na ikinakasal sa prinsipe at hari ang nagsusuot noon.", daldal ni Seokjin.

"Kung ganoon, kaninong prinsipe siya ikinasal? Kung kay Prinsipe Jungkook man, paano si Prinsipe Jaehyun? Hindi ba't sa kanilang dalawa mayroong palihim na namamagitan? Batid nating lahat ang pagtingin at pagtatangi ni Prinsipe Jaehyun sa kaniya.", mga palaisipan na tanong ni Namjoon.

"Nakakalungkot mang isipin ngunit mukhang pinaglaruan at sinamantala niya ang damdamin ni Prinsipe Jaehyun kapalit lamang ng araw-araw nilang pagsasama ni Prinsipe Jungkook. Naaawa ako kay Prinsipe Jaehyun dahil sa ginawa ni Taehyung sa kaniya. Nakakaramdam na ako ng inis kay Taehyung ngayon. Mananamantala.", sabat ni Hoseok na sinang-ayunan naman ni Seokjin at Namjoon.

"Batid nating lahat na ginusto lamang ni Taehyung si Prinsipe Jaehyun, ngunit ang mas minahal niya ay si Prinsipe Jungkook. Si Prinsipe Jaehyun ang unang nagkagusto sa kaniya, hindi ba? Ano't naiinis na kayo kay Taehyung? Magkakasama tayong lumaki at nagturingan na parang tunay ng magkakapatid, kaya naman bakit bigla na lamang kayong nagkaganiyan sa kaniya?", pinagtatanggol na ni Jimin si Taehyung.

"Hindi mo kami masisisi, Jimin. Nakilala natin si Taehyung bilang isang kaibigan at kapatid na kailanman ay hindi nanggamit ng nararamdaman ng kahit na sino. Ano ang ginawa niya kay Prinsipe Jaehyun? Magmula ng tinalikuran niya ang mahal na Prinsipe, kay laki na ng ipinagbago nito na noon ay masiyahin, palaging nakangiti at hindi tahimik kahalintulad ngayon.", katwiran ni Hoseok.

"Maging ang pagiging malapit niya kay Ginoong Seojoon, tunay na nakakapanibugho. Labis siyang kinalulugdan ni Ginoong Seojoon samantalang lahat naman tayong lima ay kinupkop niya ng magkakasama.", pagmamaktol ni Namjoon.

"Hindi ko maunawaan kung saan nagmumula ang inyong labis-labis na pagkainis sa kaniya. Tigilan na ninyo iyan. Hindi matutuwa ang mahal na Bathala sa inyong mga pinagmamaktol.", saway ni Jimin sa kanila.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon