Taehyung's POV:
"Kamahalan?! Gumising na po kayo! Dalawang oras na lamang po ay ikakasal na ang mahal na Hari at Prinsesa Joohyun!", narinig ko na pagtawag ni Ginoong Sunghyun kaya pati ako nagising na rin.
Pagdilat ko, wala si Prinsipe Jungkook sa tabi ko kaya napabangon agad ako.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan tapos ang lala ng pago-overthink ko.
"Maaga lang ba talaga siyang nagising o-", naudlot na tanong ko.
"Kamahalan?!", nangibabaw yung boses ni Ginoong Sunghyun kaya napalabas ako ng kwarto.
Paglabas ko, bumungad sa'kin si Prinsipe Jungkook na may dugo yung dibdib tapos nakahilata siya sa sahig.
Sobrang putla niya habang pawis na pawis kaya napatakbo ako sa kaniya.
"Prinsipe Jungkook?! Gumising po kayo! Kamahalan?! Parang awa niyo na! Imulat niyo po yung mga mata niyo!", di ko na mapigil yung iyak ko habang inaalog ko siya.
Tumawag agad ng manggagamot si Ginoong Sunghyun.
Chineck ko yung pulse niya tsaka ko kinapa yung temperature niya, at buhay pa naman siya pero yung itsura niya hindi siya okay.
"Kamahalan, please?! Dumilat po kayo!", nagmamakaawa na 'ko magising lang siya.
Niyakap ko siya habang humahagulgol kasi natatakot ako sa nakikita ko.
"H-hindi.. pa.. ako.. p-patay.. pa-para.. iyakan.", narinig kong bulong niya kaya napatingin ako sa mukha niya.
Dumilat na siya tapos nagawa pa niya 'kong ngitian kahit hinang-hina siya.
"T-tahan.. na.", nanghihina niyang utos sa'kin.
"Paano ako tatahan kung ganito yung nakikita ko?! Tapos ngingitian mo pa 'ko?! Anong nakakatuwa dito?! May nakakatuwa ba?!", sermon ko tsaka lang niya 'ko tinawanan kaya nainis ako, "Nababaliw ka na talaga no?! Nakakainis ka! Pinapaiyak mo 'ko!", mga rant ko bago ako umiyak ulit ng umiyak.
Pinipilit niyang i-angat yung kamay niya para punasan yung mga luha ko.
"Saan ka ba kasi galing?! Nangako ka pa na paggising ko nasa tabi pa rin kita pero hindi naman! Tapos bubungad sa'kin ngayon, may malalim na tama ka sa dibdib?! Saan ka ba kasi galing?! Bakit puro dugo yung dibdib mo?!", nag-aalala lang naman ako sa kaniya kaya ako nagiging OA na ganito.
"Ang aga-aga.. p-panay.. suway.. mo ang.. almusal.. ko?", katwiran niya tsaka siya napapikit habang iniinda yung sakit.
Finally!
Dumating na yung manggagamot!
"Prinsipe?! Ano ang naganap?!", natataranta siyang nilapitan ng manggagamot tsaka siya inasikaso agad kaya gumilid muna 'ko, "Kay lalim ng iyong sugat! Gawa ito ng matalim at makapal na palaso, ngunit kay palad ninyo pa rin sapagkat mukhang hindi sanay ang gumamit nito sa iyo, kamahalan. Hindi siya bumaon hanggang sa iyong puso, ngunit nagnganganib pa rin ang iyong buhay sapagkat may pagkamalalim ang tama nito sa iyo.", daldal ng manggagamot habang ginagamot siya.
Nanginginig na 'ko sa kaba tsaka sa takot dahil sa mga narinig ko, kaya naramdaman ko na lang yung kamay ni Prinsipe Jungkook na dahan-dahang hinawakan yung kamay ko.
Nararamdaman ko yung higpit ng kapit niya sa'kin habang ginagamot siya kasi nasasaktan siya.
"Ang dami na rin ng dugo na nawala. Ilang oras niyo ng iniinda ito. Kung nagtagal pa na hindi kayo nalunasan, marahil ay.. ay patay na po kayo.", kahit yung manggagamot nag-aalala na rin sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/294690080-288-k288199.jpg)
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...