Nararamdaman ko yung lamig ng hangin at tubig na dumadampi sa balat ko.
May naririnig din akong mga alon kaya dahan-dahan kong minulat yung mga mata ko.
"W-where am I?", nilibot ko yung paningin ko at mas lalo akong napabangon nung nakita kong nasa unfamiliar place ako.
Nasa pampang ako ng dagat and may mga batong malalaki sa paligid.
Ang dilim-dilim na at mga stars na lang at moon yung nagbibigay ng liwanag sa'kin dito para makita ko yung dinadaanan ko.
Ang daming mga puno at wala man lang katao-tao.
Pagtayo ko, nagsimula akong maglakad palayo hanggang sa makakita ako ng tao.
"Is anyone in there? Hello?", nagbabakasakali ako dahil baka may lumitaw.
"Sana?! Moonbyul?! Na saan kayo?!", pagtawag ko sa kanila pero walang lumilitaw.
Hinanap ko yung mga kasama ko sa bus pero hindi ko talaga sila makita.
Ilang minuto na 'kong naglalakad pero tahimik pa din yung paligid.
"Halughugin ang paligid! Wala nang sino man ang nararapat na naririto sa lugar na ito ng ganitong oras!"
"Masusunod, pinuno!"
Napatingin ako sa malayo nung may nakita akong mga lalaki na may dala-dalang torch na may apoy.
Bakit ganiyan yung mga damit nila?
Ang weird!
Mukha silang mga tao nung 1800s.
Lalapitan ko na sana yung isa sa kanila pero may biglang humila sa'kin.
"Ano't naririto ka pa?! Hindi ka dapat naririto ng ganitong oras, Taehyung! Halika na't magbalik na tayo sa ating silid mananalaysay bago pa tayo matagpuan ng mga kawal!", hinila niya 'ko tsaka kami tumakbo palayo.
Anong pinagsasabi nito, tsaka sino siya?
Hindi ko siya kilala.
"S-sorry. Hindi ako sumasama sa mga strangers.", binitawan ko yung kamay niya nung nakalayo na kami sa mga lalaking may dala ng torch.
"Anong wika ang iyong ibinibigkas? Anong nangyayari sa iyo?", clueless siya sa mga sinabi ko.
I stared at him from head to toe.
Yung damit pati buhok niya, pang traditional din.
"Na saan ako? Sino ka ba? Anong lugar 'to? Bakit.. bakit ganiyan yung damit mo? Anong nangyayari?", sobrang dami kong tanong sa utak ko.
"Tanging ako rin ay naguguluhan sa iyong ikinikilos, Taehyung. Mamaya na natin pag-usapan ang lahat kapag tayo ay nakabalik na sa ating silid. Halika na.", hinila niya ulit ako pero hindi ako sumama.
"Yung mga kasama ko, nakita mo ba?! Nalaglag yung bus na sinasakyan namin sa cliff tapos nahulog kami sa dagat! Kailangan ko silang hanapin! Hindi ako sasama sayo! Hindi nga kita kilala eh, so bakit-", naputol yung sinasabi ko nung bigla niya 'kong tinaga sa leeg gamit yung kamay niya.
Nahilo ako at naramdaman kong babagsak ako.
"Napakarami pang sinasabi! Kung ayaw mong sumunod sa akin sa ating pag-uwi, bubuhatin na lamang kita! Napakapasaway mo!", reklamo niya tsaka niya 'ko binitbit na parang sako ng bigas.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...