Chapter 16

104 8 0
                                    

Kinuha ko ang isang sandata sa silid nito upang mag-isang magsanay.

Pinabayaan ko muna si Taehyung na magpahinga sa aking tahanan sapagkat siya'y inabutan ng antok.

Kalaban ko ang isang matigas na kahoy na hugis tao habang ako'y napapaisip kung ano ang buong naganap sa pagpupulong ng aking Ama at ng mga kamahalan sa bayan ng Callia.

Nagsisisi ako na hindi ako nakilahok sa pagpupulong na iyon.

"Sa dinami-rami ng mga kaharian ay bakit napili ng kaharian ng Callia na rito pumili ng ibubuklod sa kanilang mga Prinsesa? Batid kong magkasalungat ang pananaw at kaugalian ng kahariang ito at kanilang kaharian pagdating sa pamumuno kaya't batid kong isang malaking gulo kung magkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng aming mga kaharian. Ano ang patagong layunin ng bayan ng Callia?", napatigil ako sa aking page-ensayo upang mag-isip.

"Hindi ko sila nais pagdudahan sa kanilang layunin na umanib sa kahariang ito sapagkat nakikita nila na maganda ang pamumuno ng aking Ama at maunlad ang Albirea, ngunit hindi ko lang talaga maiwasan na hindi mag-isip ng kung ano kung ang bayan na nais makiisa sa amin ay ang mismong bayan na unang naging kakampi ng bayan ng Arcturo noon.", pabulong ko na kinakausap ang aking sarili at nagpatuloy na sa pagpapatama ng aking sandata sa kahoy sa aking harapan.

Sa kalagitnaan ng aking pagsasanay ay bigla na lamang mayroong pumalakpak kaya't ako'y natigilan.

"Napakahusay mo talaga sa paggamit ng sandata, aking bunsong kapatid. Nais mo ba na tayo'y magtuos ng sa ganoon ay mas mahasa pa ang iyong galing? Pinagbigyan lamang kita kanina ngunit ngayon ay hindi na.", pagmamayabang ni Junghoon kaya naman napangisi ako.

Mayroon siyang hawak na sandata at handang-handa siya na makatuos ako sa page-ensayo.

"Huwag kang puro salita, Junghoon. Tunay ngang maliksi ka sa paggalaw, ngunit kulang ka sa tatas ng pag-iisip. Hindi ganiyan nararapat na mag-isip ang isang nagnanais na maging pinuno ng digmaan o ng buong bayan ng Albirea. Kung hindi sapat at kulang ang iyong taktika, mahihirapan ka.", aking pangungutiya sa kaniya.

Nagharap na kaming dalawa upang magsimula na sa pagtutuos.

Tunay na mga sandata ang aming gamit, ngunit wala akong pakielam.

Hindi natatakot na masugatan ang isang nagnanais na maging pinuno.

Nagsimula na siya sa kaniyang unang galaw ngunit nabasa ko agad ito kaya't nahadlangan ko gamit ang aking sandata.

Naitulak ko at naisipang puntiryahin ang kaniyang sandata kaya ito'y nabitawan niya.

"Hindi man lamang ako napagpawisan, Junghoon? Anong uri ng pagtutuos ito? Kung sa akin pa lamang ay talunan ka na, paano ka pa magiging isang ganap na pinuno? Sapagkat ang iyong mga makakatunggali sa digmaan kung sakali man na ikaw ang maluklok bilang hari ay ang mga magagaling nilang mga kawal, maging ang kanilang mga Prinsipe o Hari.", aking pagbabanta habang nakatutok sa kaniya ang aking sandata.

Natahimik siya at tumitig sa aking mga mata, ngunit siya'y biglang ngumisi.

Nagawa niyang maagaw sa akin ang aking sandata at mabilis na isinakal ito sa akin.

Malapit ng magdikit ang talim ng sandata sa aking leeg kaya naman ako'y napalunok, ngunit hindi ako labis na nangangamba o natatakot.

"Sino ngayon sa atin ang talunan, Jungkook?", pagyayabang niya.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon