Chapter 14

121 6 0
                                    

Araw na ng sword practice ng mga Prinsipe ngayong araw.

Pinapanood namin sila nina Jimin habang nagsusulat ng mga isasalaysay namin sa notebook.

Pinapanood din ng mahal na Hari at mahal na Reyna yung practice nila.

"Nababagay talaga na humawak ng sandata ang mahal na Prinsipe Jaehyun, ano?", tanong ni Jisoo sa'kin.

Napalingon ako sa kaniya tapos nakita kong nakangiti siya habang nanonood sa mga nagpapractice.

"Maging ang Prinsipe Junghoon. Nababagay din sa kaniya.", akala ko may gusto 'to kay Prinsipe Jaehyun eh?

Mang-aagaw ka na nga sa present era, hanggang dito pa rin?

Makakalbo na talaga kita.

"Kailan kaya ako makakahawak ng sandata? Nais ko rin matuto ngunit walang pagkakataon, at hindi ako maaaring basta na lamang humawak ng mga iyan ng walang pahintulot ng palasyong ito.", kwento ni Namjoon sa'min.

"Kung nais mo palang humawak ng sandata, bakit hindi ka na lamang naglingkod sa palasyong ito bilang isang kawal? Nage-ensayo rin sila bago maging ganap na kawal at makahawak ng kani-kanilang mga sandata.", sabat ni Hoseok.

"Nais ko lamang matuto at makahawak, ngunit naduduwag ako sa pakikipagdigma. Natakot na akong makakita ng dugo simula nung napaslang ang aking mga magulang noon, kaya naman napadpad ako sa isang pagiging mananalaysay na lamang.", may trauma na pala siya sa dugo.

Tulala lang ako kay Prinsipe Jungkook kasi pinapanood ko kung paano siya humawak tsaka gumamit ng sword.

Ang galing nga niya, in fairness.

Kaya lang, natatakot ako kasi nai-imagine ko yung mga tao dito na mapapatay niya ng dahil sa skill niya sa sword.

"Taehyung? Ano't natutulala ka riyan? Bakit hindi ka nagsusulat?", kinakausap na pala 'ko ni Jimin pero di ko napapansin.

"Huh? May sinasabi ka?", tsaka lang ako bumalik sa wisyo ko nung siniko niya 'ko.

"Tulala nga.", napairap pa siya, "Mukhang natutulala ka kay Prinsipe Jaehyun, ano?", pabulong niyang panunukso.

"Hindi ah?", totoo naman.

"Kanino? Kay Prinsipe Jungkook?", dahil sa response niya kaya natitigan ko siya with attitude.

"Patawa ka no? Bakit ako matutulala diyan? Anong dapat kong ikatulala kay Prinsipe Jungkook?", pabulong pero attitude kong sagot.

"Ang kaniyang liksi at husay sa paggamit ng sandata?", hindi rin siya sigurado.

"Tama na iyan. Atupagin niyo na lamang ang inyong mga tungkulin.", napalingon kami sa likod nung narinig namin yung boses ni Mr. Seojoon.

"Magandang umaga po, Ginoong Seojoon.", sabay-sabay nilang greetings sa kaniya.

"Magandang umaga, Ama.", iba yung pagbati ko sa kaniya.

Napangiti siya nung tinawag ko siyang Ama pero saglit lang and bumalik na sa pagiging seryoso yung mukha niya.

"Maya-maya lamang ay sama-sama tayong maghahapunan kasama ang mga kamahalan sa tahanan ng mahal na Haring Jaejoon. Magkita-kita tayo roon.", announcement niya sa'min.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon