Chapter 18

99 7 0
                                    

Taehyung's POV:

Pagbalik ko sa bahay ni Prince Jungkook, naabutan ko si Mr. Sunghyun na natataranta sa labas tapos naririnig ko rin yung sigaw ni Prinsipe Jungkook kaya naintriga ako.

"Ano pong nangyayari? Bakit po siya sumisigaw?", wala na 'kong pake kung maging marites ako.

Mananalaysay niya 'ko kaya may karapatan ako.

"Huwag ka munang pumasok, Taehyung. Masyado pang mapanganib para sa iyo kung papasok ka. Dumito ka muna hanggat-", hindi ko tinapos yung sinabi niya kasi pumasok ako.

Naabutan kong kalat-kalat yung mga gamit sa sahig.

Binalibag niya yata?

"Prinsipe? Anong nangyayari?", tanong ko kahit hindi siya mahanap ng paningin ko.

Nakarating ako sa kwarto niya and doon ko siya naabutan na nakaupo sa sahig habang nakayakap sa mga tuhod niya.

Umiiyak ba siya?

"K-kamahalan? Bakit po kayo.. umiiyak?", tanong ko habang dahan-dahan siyang nilalapitan.

"Lumabas ka! Hindi ko kailangan ang kahit na sino! Pare-pareho lamang kayo! Mga mapagpanggap!", galit na galit niyang response pagtingin niya sa'kin.

Yung mga mata niya, nag-aapoy sa galit.

"Magkwento lang po kayo. Makikinig po ako. Pangako, makikinig ako. Kamahalan? Magtiwala po kayo sa'kin.", kalmado kong response kasi hindi ngayon yung right timing para sabayan yung galit niya.

Tumayo siya tsaka niya hinawakan ng mahigpit yung magkabilang balikat ko.

Ang higpit-higpit!

Ang sakit na!

"Pagkatapos ay ano?! Isasalaysay mo sa iba?! Isasalaysay mo sa aking ama at mga kapatid?! Walang sino man ang katiwa-tiwala sa loob ng palasyong ito!", ang lala talaga ng trust issue niya.

Nararamdaman ko na yung sakit ng magkabilang balikat ko kaya nangingilid na yung mga luha ko.

"Kahit kailan, hindi pa po ako nagtaksil sa buong buhay ko. Kahit na ako yung palaging pinagtataksilan, hinding-hindi ko kayang gawin 'yon sa iba. Hindi ganiyan yung tinuro sa'kin ng mga magulang ko, kamahalan.", seryoso kong sagot.

Tinitigan niya muna 'ko ng ilang segundo bago niya 'ko bitawan.

Yung galit niyang mga mata kanina, napalitan ng lungkot hanggang sa hindi na niya matago yung iyak niya.

Nanlambot siya kaya inalalayan ko siya hanggang sa bumagsak siya sa sahig, tsaka ko siya tinabihan.

Nanlambot siya kaya inalalayan ko siya hanggang sa bumagsak siya sa sahig, tsaka ko siya tinabihan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kamahalan? Magkwento ka lang para gumaan yung pakiramdam mo. Makikinig po ako.", pagvo-volunteer ko ng sarili ko.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon