Chapter 5

148 8 0
                                    

Prince Jungkook's POV:

Ano ang mayroon sa lalaking iyon?

Bakit ganoon na lamang siyang kumilos at magsalita?

"Nakahingi ka na ba ng kapatawaran sa mag-aaral na iyong nasugatan kagabi, aking kapatid?", katanungan ni Jaehyun sa akin pagbalik ko sa loob ng palasyo.

"At bakit ko gagawin iyon? Isa lamang siyang mag-aaral at isa akong Prinsipe. Hindi nararapat sa mga taong kagaya niya ang paghingi ko ng kapatawaran.", walang damdamin kong kasagutan bago ko siya lampasan.

Pabalik na sana ako sa aking silid nang bigla niyang hawakan ang aking braso at hilain ako paharap sa kaniya.

"Ano't may dugo na naman ang iyong sandata? Ano na naman ang iyong ginawa sa labas ng palasyo? Huwag mong sabihin na tuluyan mo ng pinaslang ang kaawa-awang mag-aaral na iyon? Kaya naman pinagbabawalan ka ng ating Ama na lumabas ng palasyo ng dahil diyan sa iyong kapusukan.", pangangaral niya sa akin.

"Hayaan mo siyang lumabas-labas upang mapagtanto niya kung gaano kasama ang mundo sa labas ng palasyo. Na hindi niya dapat ibinibigay ang tiwala niya sa kahit na sino.", pagsabat ni Junghoon noong makalabas siya ng tahanan ng aming Ama.

Naglakad siya palalapit sa amin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Jaehyun upang bitawan ako.

"Junghoon? Huwag mong lalasunin ang isipan ng ating nakababatang kapatid. Hindi lahat ng tao sa labas ng palasyo ay tunay na masasama. Mayroon pa ring mga mabubuti. Kung tatahakin mo lamang din ang labas ng palasyo at pakikisamahan ng maayos ang mga mamamayan roon, malalaman mo ang aking sinasabi.", mahinahon na pagsagot ni Jaehyun sa aming nakatatandang kapatid.

"Kung tunay nga ang iyong sinasabi, hindi sana magbabalik si Jungkook rito ng may dugo ang kaniyang sandata? Ang ibig sabihin lamang noon ay talagang masasama at hindi mapagkakatiwalaan ang mamamayan na iyong ipinagtatanggol sa amin.", paghahayag ng saloobin ni Junghoon.

Muling nagbalik ang pansin ni Jaehyun sa akin.

"Magtapat ka sa akin, Jungkook. Pinaslang mo ba ang mag-aaral na-"

"Hindi. Babalik na ako sa aking silid.", tuluyan ko na silang nilampasan sapagkat nais ko ng magpahinga.

Pagbalik ko sa aking silid, nakaabang ang aking mga mananalaysay at tagapaglingkod at bakas sa kanilang mga mukha ang pangamba.

"Kamahalan? Saan kayo nagtungo?", nangangambang katanungan sa akin Nayeon, ang aking babaeng mananalaysay.

Sila ay aking tinakasan kaya naman hindi na nila nagawang maisalaysay ang mga naganap sa akin sa labas ng palasyo kanina.

"Maaari na kayong magpahinga, aking mga mananalaysay. Iwan niyo na ako. Kailangan ko na rin magpahinga.", kautusan ko sa kaniya ngunit hindi niya ako sinusunod.

"Ngunit.. kamahalan-", naudlot na kasagutan ni Baekhyun, ang aking lalaking mananalaysay.

"Anong pagpapahinga ang nais mo? Magpahinga sa pagkakatulog o magpahinga habambuhay? Mamili ka.", pananakot ko nang bigla kong itutok sa kaniya ang aking sandata.

Isinara na nila ni Nayeon ang kanilang aklat-talaan at lumabas na ng aking silid.

"Sa labas lamang ako, mahal na Prinsipe. Kung may nais ka, tawagin mo lamang ako.", paalam sa akin ng aking tagapaglingkod bago siya lumabas ng aking silid.

Napagpasiyahan ko na maligo muna bago ako tuluyang matulog.

Nagiging mahinahon kasi ang aking isipan kapag ako ay naliligo bago magpahinga sa gabi.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon