Chapter 7

129 6 0
                                    

Inaantok na 'ko, my goodness!

2PM na sa relo ni Prinsipe Jungkook dito.

Matagal-tagal na kami dito sa loob ng living room niya habang pinapanood siyang matulog kaya pati ako napapapikit na.

"Taehyung? Gisingin mo ang iyong sarili. Huwag na huwag kang matutulog at huwag mong paliliparin ang iyong isipan. Hindi maaaring mawaglit sa ating paningin ang mahal na Prinsipe. Ayon sa salaysay sa akin ng aking kaibigan na siya ring naging mananalaysay ng mahal na prinsipe, madalas niyang takasan ang kaniyang tagapaglingkod at mga mananalaysay. Lumalabas siya ng palasyo sa hindi mawaring dahilan.", pagdadaldal sa'kin ni Jisoo.

"Alam ko. Kaya nga 'ko nagkasugat.", wala sa mood kong sagot.

"Siya ang may pananagutan sa iyong malalim na sugat sa leeg? Nagkita na kayo sa labas ng palasyo? Mabuti na lamang at hindi mo nakilalang siya ang mahal na Prinsipe?", Marites din 'tong si Jisoo ng Albirean era 'no?

"Nakalugay yung buhok niya pag nasa labas ng palasyo kaya di siya mukhang disente tignan. Di siya mukhang prinsipe.", wala din namang makakalabas na information sa labas ng palasyo kaya inexpose ko na.

"Disente? Anong salita iyon?", naguguluhang tanong niya.

"Maayos. Kaaya-aya.", di nga pala niya alam yung disente.

"Mahal na Prinsipe Jaehyun? Ano't narito po kayo? Hindi po ba't nasa pagsasanay kayo ngayon ng inyong pagguhit?"

"Nais ko lamang malaman kung narito ba ang aking kapatid?"

"Mahimbing po ang kaniyang tulog, kamahalan. Nagbabantay rin po sa kaniya ang kaniyang mga mananalaysay."

Narinig ko na kausap ni Ginoong Sunghyun (tagapaglingkod ni Prinsipe Jungkook) si Prinsipe Jaehyun kaya binuksan ko yung pinto ng konti tsaka ako napasilip sa labas.

"Taehyung? Magandang hapon.", nakangiting pagbati ni Prinsipe Jaehyun sa'kin.

"Magandang hapon din po, kamahalan.", nakangiti ko ding greetings sa kaniya.

Nakita ko si Jimin at Hoseok na nakabuntot sa likod ng Prinsipe.

Umupo si Prince Jaehyun sa tabi ng pintuan para makipagkwentuhan sa'kin habang tulog yung mabait niyang kapatid.. kapag tulog.

"Sariwa na naman ang iyong sugat. Ano't may dugo na naman ang iyong benda sa leeg? Hindi ba't natuyo na iyan? Walang dugo iyan kanina noong huli tayong nagkita sa Silid Pagpupulong.", concern talaga siya sa'kin.

"Pananagutan po ng Prinsipe Jungkook kaya't nagdugo ang kaniyang sugat, kamahalan.", sabat ni Jisoo.

Napayuko si Prinsipe Jaehyun na para siyang nalungkot.

"Paumanhin sa asal ng aking kapatid, Taehyung. Hindi mo nararapat na sapitin iyan. Kung maaari lamang na ikaw ay aking kunin bilang aking mananalaysay, ginawa ko na. Ngunit.. si Ginoong Seojoon ang nagdestino sa inyo.", kwento niya sa'kin.

"Wala po kayong dapat ihingi ng tawad sa'kin, kamahalan. Kaya ko po 'to at kakayanin ko. Ilang taon lang naman po yung hihintayin ko eh. Marami na po akong napagdaanan na mas malala dito kaya sisiw na sa'kin yung kapatid niyo. Napagod lang po ako kanina pero kakayanin ko po.", ang daldal ko talaga kapag siya yung kausap ko.

Pakiramdam ko kasi kapag kay Prinsipe Jaehyun ako nagsasabi tsaka nagku-kwento, walang halong judgement.

"Nakakatuwa ka, alam mo ba iyon? Ngayon lamang ako nakatagpo ng isang taong kagaya mo na may ganiyang klase ng pag-iisip at pagkatao. Ang saya-saya mong kausap at walang bahid ng pagiging ilang kahit na batid mong ako ay isang Prinsipe. Lahat kasi ng aking mga nakakausap sa labas ng palasyo ay ilang sa akin sapagkat mataas ang kanilang pagtingin sa aking katayuan. Nais ko rin naman na magkaroon ng isang kaibigan na hindi kabilang sa aming pamilya, at ikaw pa lamang ang kaisa-isang nakausap ko ng ganito. Magaan ang aking loob sa iyo sa tuwing ikaw ay aking nakikita at nakakausap.", natutuwa ako sa kaniya kasi pantay-pantay yung tingin tsaka trato niya sa lahat.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon