Kay tagal ko ring hindi nakabalik rito sa silid na ito.
Bakit nga naman ako mapapadpad rito kung matagal na kaming walang pagsasanay?
Ngayon ay batid ko na kung bakit at kung ano ang dahilan ng aking pagbabalik.
"Kanino sa aming mga sandata ang may biyak?", pabulong ko na katanungan sa aking sarili.
Nagtungo ako sa aking sandata ngunit wala naman.
Malinis ang aking sandata at walang biyak.
"Halughugin ang silid.", nakarinig ako ng mga tinig mula sa labas ng silid kaya naman nagtago ako sa likod sa lalagyan ng mga lumang kagamitan pangdigma at batid ko na hindi naman sila tutungo sa dakong ito.
Sumilip ako sa butas at si Junghoon ang aking nakita kasama ang ibang mga kawal na palagi niyang kasa-kasama noon sa paglilibot sa labas ng palasyo tuwing gabi.
"Kunin ang sandatang iyan at dalhin sa magpapanday. Kinakailangan nitong maisa-ayos bago ito matuklasan ni Jungkook. May pag-asa pa na maayos iyan, naniniwala ako. Nang dahil sa mga kautusan ni Ina sa akin sa pagpapasok ng mga nakalalasong mga halaman rito at pagnanakaw ng mga buwis ng mga manggagawa ay hindi ko na nabigyan ng panahon na magsiyasat sa iba pang mga lugar rito. Hindi ko napansin na mayroon na palang hindi tama.", pagmamaktol niya sa mga kawal bago sila makalabas.
Dahan-dahan akong lumabas sa aking pinagtataguan, at napagalaman ko na kay Junghoon ang sandata na mayroong biyak sapagkat ang mga sandata na lamang namin ni Jaehyun ang buong-buo pa rin.
"Bakit niya kinakailangang itago ang sandata sa akin? Ano't natatakot sila na matagpuan ko ang biyak ng sandata ni Junghoon? At ano ang hindi tama?", mga katanungan ko.
Kailangan kong makuha sa kawal na iyon ang sandata bago ito maayos ng nagpapanday.
"Kung pangkaraniwang biyak lamang iyon, hahayaan na lamang nila ito na naririto sa silid. May hindi nga tama.", nauunawaan ko na.
Sumilip muna ako sa labas bago ako tuluyang makatakas ng walang nakakakita sa akin.
Nag-iba na ng landas ang mga kawal at si Junghoon.
Nakita ko si Jisoo na nakabuntot kay Junghoon at nakita niya ako tsaka siya yumuko ng bahagya upang bigyan ako ng hudyat na nagagawa na niya ang kaniyang nararapat na gawin.
Iilan lamang ang mga nagpapanday sa bayan na ito kaya batid ko kung saan nila dadalhin ang sandata.
Nagbalik ako sa aking tahanan at nakita ko na mahimbing pa ang pagtulog ni Taehyung habang binabantayan siya ni Ginoong Sunghyun.
Nagpalit ako ng aking kasuotan panglabas ng palasyo upang hindi nila makilala na ako'y naninirahan dito.
"Na saan na po si Jisoo, kamahalan?", tanong ni Ginoong Sunghyun.
"Patungo sila sa tahanan ng Haring Jaejoon, ang tahanang inaangkin ni Junghoon.", kasagutan ko pagkatapos kong mai-buhol ang aking laso, "Magpahinga ka muna, aking minamahal. Sa pagmulat muli ng iyong mga mata, narito na ako sa tabi mo.", pamamaalam ko kay Taehyung tsaka ko hinalikan ang kaniyang noo.
Nagpaalam na ako kay Ginoong Sunghyun tsaka ako umakyat sa pader sapagkat batid ko na hindi ako palalabasin ng mga kawal na nagbabantay.
Hindi ko nais na mayroong dumanak na dugo.
•~••~••~•
Jisoo's POV:
"Jisoo? Ano't palagi na lamang kayong magkasama ni Haring Junghoon?", pabulong na katanungan ni Namjoon sa akin.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...