Chapter 51

76 6 0
                                    

Habang pabalik naman sina Taehyung sa bahay ng Prinsipe Jungkook, inaalalayan niya ang Prinsipe dahil napapansin niya na nagpipigil 'to ng sakit na hindi niya pinapakita sa mga kawal na nakakasalubong nila.

Bumuntot sa kanila si Ginoong Sunghyun nung nakita niyang paalis sila.

"Kamahalan? Kaya niyo pa po ba?", pabulong na tanong ni Taehyung sabay punas sa pawis ni Prinsipe Jungkook na nagbubutil sa noo niya.

"Huwag mong.. ipahalata sa iyong.. w-wangis na ikaw ay.. nag.. nag-aalala. Huminahon.. huminahon ka l-lamang.", seryosong sagot ng Prinsipe dahil halatang-halata sa mukha at bakas sa boses ni Taehyung yung kaba.

"Patawad, kamahalan. I can't help it.", medyo mahinahon na niyang sagot.

Gustong-gusto ng bumagsak ng katawan ni Prinsipe Jungkook pero pinipilit niyang labanan makauwi lang ng bahay niya.

Pagpasok na pagpasok nila sa bahay ng Prinsipe, agad itong napadapa at pinangtukod niya yung braso niya para sa suporta na hindi siya tuluyang bumagsak.

Inalalayan siya ni Taehyung at Ginoong Sunghyun na makahiga sa kama niya.

Dahan-dahang hinubad ni Ginoong Sunghyun yung pang-ibabaw na damit ng Prinsipe at tumambad sa kanila yung tela na pinantapal ng Prinsipe para hindi tumagos yung dugo pero punong-puno na yung tela na pinantapal niya dahil sa paghampas ni Haring Junghoon.

"Magtatawag lang po ako ng manggagamot, kamahalan.", paalam ni Taehyung pero pinigilan siya ng Prinsipe nang hawakan nito yung pulsuhan niya.

"H-huwag na. Mas lalo silang.. makakahalata. Maghihilom rin.. ito, Taehyung. T-tahan na. Hindi nababagay sa.. sa iyo ang.. pagtangis.", malambing na tugon ng Prinsipe habang sinisikap na makangiti.

Hindi naman nawala yung tahi ng manggagamot kaya lang dumugo lang ulit dahil napalo ng malakas.

"Bakit ka ganiyan? Kung hindi mo ko iniinis, pinapaiyak mo 'ko? Ano naman sa susunod? Hahagulgol na po ba 'ko dahil sa inyo?", sagot ni Taehyung habang humihikbi.

Hindi niya na napigilan kaya niyakap niya si Prinsipe Jungkook nang hindi natatamaan yung sugat niya tsaka hinagod ng Prinsipe yung buhok niya.

"Hindi.. minamahal ko. L-ligaya at.. galak na ang.. ang mararamdaman mo sa.. sa susunod. Maghintay ka l-lamang.", tugon ng Prinsipe sabay halik sa ulo ni Taehyung.

Nanghihina lang ngayon si Prinsipe Jungkook pero hindi ito hadlang para sa kaniya sa paggawa ng paraan na mapababa sa trono si Haring Junghoon.

Malapit na nilang makuha ni Taehyung lahat ng mga katibayan kaya mas lalo siyang nagkakaroon ng lakas ng loob para agad na makumpleto na yung mga 'yon.

•~•

Ilang oras ng magkasama si Prinsipe Jungkook at Taehyung sa silid-tulugan habang nagku-kwentuhan.

Pinapagaan ni Taehyung yung loob ng Prinsipe para hindi na niya masyadong indahin yung sugat niya.

"Ayaw niyo po bang matulog muna? Kanina pa po tayo nagku-kwentuhan. Baka gusto niyo po munang magpahinga?", malambing na tanong ni Taehyung habang nakaupo siya sa upuan katabi ni Prinsipe Jungkook at hawak ang kaliwang kamay nito.

"Ayokong ipikit ang.. aking mga mata. Ikaw lamang ang gusto ko na nakikita habang.. ako'y nagpapagaling. Natatakot ako.", ngayon lang narinig ni Taehyung yung salitang takot kay Prinsipe Jungkook kaya nakaramdam siya ng lungkot, "Natatakot ako na.. sa sandaling ipikit ko ang aking.. mga mata ay.. hindi na ito magmumulat pang muli. Hindi ko nais na mapaslang at mamatay ng.. ng walang katarungan gaya ng ginawa nila.. kay Ina. Hindi ko rin nais na.. iwanan ka na lamang rito ng nag-iisa. Nangako ako, hindi ba? Hindi ko kakayanin na.. lisanin ka, Taehyung."

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon