Chapter 44

78 6 0
                                    

Pagbalik namin sa loob ng palasyo, naabutan namin na may kausap si Haring Junghoon sa may harap ng bahay ng Hari kung saan na siya nags-stay.

Isa sa trabahador na nagdadala ng mga halamang gamot tsaka mga gulay at prutas dito sa loob ng palace.

"Kamahalan? Maawa po kayo sa amin. Nagtaas na po ang buwis na ipinataw ninyo sa amin kaya naman hindi na po sapat ang aming mga kinikita sa paghahanap-buhay. Marami na po ang nagugutom dahil rito. Hindi na lamang po ito basta tungkol sa pag-aangkat ninyo sa ibang bayan at makalikom ng mas maraming salapi galing sa kanila. Tungkol na po ito sa buhay ng mga mamamayan na inyong nasasakupan.", naaawa ako sa pagmamakaawa ng trabahador sa Hari.

Hawak-hawak pa ng dalawang kawal yung magkabilang kamay niya.

"Hindi ko kasalanan kung kulang kayo sa sipag at tiyaga sa paghahanap-buhay kung kaya't nagugutom kayo. Mayroon namang mga mamamayan sa labas kagaya ninyo na hindi kinakailangang mamalimos, hindi ba? Magpasalamat ka na lamang sapagkat mayroon ka pang tungkulin rito sa loob ng palasyo. Sa susunod na magmaktol ka pa sa akin at tumutol sa aking mga mungkahi, papatawan na kita ng parusang kamatayan. Makakaalis ka na.", kalmadong sagot ng Hari pero kita mo sa mga mata niya na naiinis na siya.

Inutusan na niya yung mga kawal na palabasin ng palasyo yung kawawang trabahador tsaka niya sinundan ng tingin.

"Nakakaawa naman?", bulong ko na narinig ni Prinsipe Jaehyun.

"Tunay nga na kaawa-awa siya, ngunit may saysay naman ang sinabi ni Haring Junghoon. Hindi niya kasalanan kung naghihirap sila ngayon. Hindi naman lahat ng iyong mga nasaksihan mga mamamayan sa labas ng palasyo ay namamalimos, hindi ba?", sagot ni Prinsipe Jaehyun sa'kin.

"Opo. Hindi nga lahat.", pabulong na sagot ko, "What are the reasons for those public officials who are on the King's side to beg alms? They don't have to beg for it because they benefit from the corruption that our King is doing in this nation.", sarcastic kong sagot pero alam kong hindi naman maiintindihan ni Prinsipe Jaehyun.

Nalaman ko yung tungkol sa corruption dahil kay Prinsipe Jungkook.

"Ano ang iyong mga isinasambit, Taehyung? Ano't hindi kita maunawaan? Bakit hindi mo ilathala sa akin ng maayos ang iyong salaysayin? Sinasadya mo ba iyan upang hindi kita maunawaan?", confused na tanong niya.

"Magandang hapon, Jaehyun. Magandang hapon rin.. Taehyung.", pagbati ng Hari sa'min kaya nagbow kami sa kaniya, "Magandang hapon sa isang maniniktik at tunay na nagtataksil sa aking pamumuno.", dugtong ni Haring Junghoon kaya napatingin sa'kin si Prinsipe Jaehyun.

"Ano ang sinasabi mo, kamahalan? Maniniktik? Si Taehyung?", gulong-gulo na tanong ng Prinsipe.

"Bakit hindi mo siya tanungin o kaya naman ang kasapi ng pamahalaan na nakakita sa kaniya. Hindi ko batid kung ano ang dahilan ng kaniyang paniniktik, ngunit sa ngayon ay wala namang pagtataksil ang nangyayari sa akin at sa Reyna kaya naman pinababayaan ko muna siya.", response ng Hari sabay smirk.

Napalunok ako nung nag-iba yung tingin ni Prinsipe Jaehyun sa'kin.

"Hindi mo naman magagawa iyon, hindi ba? Sabihin mo na walang katotohanan ang mga sinalaysay ni Haring Junghoon.", pagmamakaawa ng Prinsipe sa'kin.

"Ano't nagmamakaawa ka sa mananalaysay na iyan? Hindi ka nararapat na nagmamakaawa sa isang mananalaysay na taliwas ang pagsang-ayon sa atin. Kung nagawa niyang maniktik, isa lamang ang ibig sabihin noon. Hindi siya tapat at nagtatapat sa Hari. Iyan ba ang nais mong ibigin, Jaehyun? Ang mananalaysay na marahil ay nagtataksil sa akin at sa iyong kapatid? Mukhang sa iyo nga naipasa ng mahal na Bathala ang sumpa ng iyong Amang Hari. Ang umibig sa isang mananalaysay ngunit taksil?", sabat ng Reyna nung bigla siyang sumulpot.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon