Taehyung's POV:
Gabi na nung nasundo ako ni Prinsipe Jaehyun sa labas ng bahay ni Prinsipe Jungkook.
Tapos na yung oras ng trabaho ko kay Prinsipe Jungkook kaya pwede na 'kong gumala.
"Kamahalan? Saan po pala tayo pupunta?", nacurious ako kasi di ko alam kung saan niya 'ko balak dalhin.
"Sa aking mga minamahal sa labas ng palasyong ito.", sagot niya sabay smile.
Mga minamahal?
"Batid kong ikatutuwa nila ang aking gagawin bukas, at gusto ko na ikaw ay aking makakasama bukod kina Ginoong Dokjin, Jimin at Hoseok. Huwag kang mag-alala sapagkat sandali lamang tayo.", wala akong idea sa mga sinasabi niya pero sasama na lang ako.
"Sige po, kamahalan. Sasamahan po kita bukas.", napangiti din ako kasi nakakahawa yung smile niya.
Palabas na kami ng palasyo nung biglang may tumawag sa pangalan ni Prince Jaehyun.
"Magkasama na naman kayo? Bakit hindi ka kina Jimin at Hoseok magpasama o hindi naman kaya kay Ginoong Dokjin? Bakit kay Taehyung pa?", mga tanong ni Prince Junghoon.
"Nagpapahinga na sina Jimin, Junghoon. Hindi ko na sila nais pang abalahin.", calm na response ni Prince Jaehyun sa kaniya.
"At si Taehyung? Inaabala mo siya, hindi ba? Dapat ay nagpapahinga na siya sa kaniyang silid, at hindi gumagala-gala kasama mo. At anong oras na? Hindi na kayo maaari pang gumala sa labas ng palasyo, Jaehyun. Magbalik ka na sa iyong tahanan. Sasamahan ko na ang mga kawal sa labas upang humuli ng mga nagpapagala-gala pa.", ang strict niya talaga.
"Hindi kami magtatagal. Pangako, magbabalik kami agad. Mayroon lamang akong nais na puntahan kasama siya. Nakikiusap ako.", pagpupumilit na paalam niya sa kuya niya.
"Papayag ako, ngunit pasasamahan ko kayo sa apat na kawal ng palasyo. Baka mamaya ay kung ano pa ang gawin niyo na kasumpa-sumpa?", feeling ko double meaning yung sagot ni Prince Junghoon?
Tumingin si Prince Jaehyun sa'kin kaya napatingin din ako sa kaniya tsaka niya 'ko nginitian.
"Maraming salamat, Junghoon.", ang kind hearted talaga ni Prince Jaehyun kahit na kung anu-ano na yung sinasabi sa kaniya.
Nagawa niya pang magpasalamat.
"Mga kawal? Bantayan ninyo ang dalawang ito. Huwag ninyong hahayaan na maalis sila sa inyong mga paningin. Malinaw ba?", utos ni Prince Junghoon sa mga kawal niya na agad siyang sinunod.
Paglabas namin sa palace, wala ng mga tao kaya nagtaka ako kung sino yung pupuntahan namin.
Hanggang sa napadpad kami malapit kung saan kami nakatira nina Jimin dati nung studyante pa lang kami bilang mga historians.
"Dito tayo tutungo bukas ng umaga, Taehyung. Magpapakain tayo sa mga bata. Tuturuan din natin silang magbasa at magsulat. Matagal ko na kasi itong hindi nagagawa sapagkat kay rami kong mga gawain sa loob ng palasyo, hindi ba? Nananabik na akong muli na makita sila.", kwento niya sa'kin nung nagstop over kami sa may mga maliliit na table sa labas.
Naalala ko na marami ngang mga bata dito 'non nung di pa kami nagpupunta sa loob ng palace.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fiksi Penggemara filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...