Nasa harap na kami ng main gate ng bayan ng Callia kaya pinagbuksan na nila kami.
Agad na bumungad sa'min yung Hari at Reyna pati yung dalawang Prinsesa at isang Prinsipe.
"Magandang umaga, mga kamahalan.", pagbibigay galang naming mga mananalaysay pati mga tagapaglingkod.
"Siya nga pala si Yoongi, ang nag-iisang Prinsipe ng bayan ng Callia.", nakangiting approach sa'min nung King.
Mukha namang mababait yung Hari and Reyna ng kingdom na 'to.
Ang gaan ng atmosphere dito sa Callia hindi gaya sa Albirea na matatakot ka kay Prince Junghoon tsaka Queen Sohyun.
"Magandang umaga, mga kamahalan.", pagbibigay galang ni Prince Yoongi kina King Jaejoon.
Ang cold lang niya tsaka wala siyang expression na binibigay.
"Pumasok na tayo nang sa ganoon ay maumpisahan na natin ang ating mga pagpupulong para sa pagkakasundo sa ating mga anak.", approach ng Queen ng Callian Kingdom.
Nakita ko si Prinsesa Joohyun na nakangiti habang nakatingin kay Prinsipe Jaehyun, pero si Prinsipe Junghoon nakatingin naman sa Prinsesa.
Si Prinsesa Jennie naman, sa'kin nakatingin and ang lawak-lawak ng ngiti niya.
"Ganiyan pala ang wangis ni Prinsipe Yoongi? Naririnig ko lamang ang kaniyang ngalan noong tayo'y mga mag-aaral pa lang, ngunit hindi ko batid ang kaniyang wangis.", chika ni Jimin sa'kin.
Gusto ko sana siyang asarin pero wala ako sa mood mang-asar.
Gumugulo pa rin kasi sa isip ko yung nangyari sa'kin kanina kaya di ako makapagbiro tsaka makatawa.
Di nga rin ako makangiti ngayon eh.
Nagpunta na kami sa bahay ng Hari at Reyna ng bayan ng Callia para magstart na yung meeting.
"Hindi bagay sa iyo ang paghahaba ng mukha.", pang-aasar ni Prince Jungkook pero walang effect.
Di ako napikon, di ako naasar, di ako nainis at hindi ako natawa.
Di ko lang siya pinansin.
"Wag po muna ngayon, kamahalan. Intindihin niyo na po muna yung pagpupulong niyo kasama yung mga Prinsesa.", seryoso kong sagot.
Nakaramdam ako ng katangahan sa sarili ko.
Nagagawa kong maging comfortable sa tao na papatay sa mahal na Haring Jaejoon?
Nagawa kong yakapin yung tao na magtatraydor sa sarili niyang bayan?
Yung nasa vision ko kanina, kaparehas na kaparehas ng damit ni Prinsipe Jungkook.
Kaya ba may sumisigaw ng taksil sa'kin kanina?
Kataksilan ba yung pagkampi ko tsaka pag-alok ko ng tulong kay Prinsipe Jungkook na tulungan siya para makamit yung justice for his mom?
Gusto kong matakot sa kaniya, gusto ko siyang layuan tsaka gusto ko siyang kamuhian, pero hindi ko magawa.
Ayokong maging taksil sa bayan ng Albirea.
"Pag-usapan na lamang natin ang iyong iniisip sa sandaling makabalik na tayo sa bayan ng Albirea. Kung nais mo na hindi muna kita guluhin ngayon rito ay gagawin ko.", calm niyang response.
Nginitian niya muna 'ko bago siya sumunod kina Prince Jaehyun.
Pinapanood ko siya habang palayo siya ng palayo sa'kin.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...