Chapter 19

104 8 0
                                    

Anong ginagawa ni Prinsesa Jennie dito?

"Kamahalan? Bumaba po kayo diyan! Baka mapaano po kayo?", wala namang ibang nakakarinig sa'kin kasi ang lalayo ng mga guards.

Ayaw niya talagang paawat tsaka siya nagover the bakod ng tuluyan tsaka ko siya nasalo kasi baka mapahamak siya.

Nasalo ko siya ng pa-bridal style tsaka ko binaba ng dahan-dahan.

Iba yung damit niya compare sa damit niya nung unang salta niya dito.

Pang ordinary citizen lang yung dress niya kaya di nga siya mapagkakamalang royalty.

"Nais kitang makita.", seryoso ba siya?

Wala akong alam sa history ng Callian Empire kaya hindi ko alam kung nasa history ba na nagkaroon ng karelasyon si Princess Jennie na isang Historian?

"Baka po hanapin kayo sa inyo, kamahalan? Umuwi na po kayo. Hindi rin po kayo pwedeng makita na lang dito basta-basta. Malalagot ka po sa hari lalo na sa mga magulang niyo. Hindi po pwedeng makita ng iba yung wangis niyo, diba? Hindi po kayo pwedeng gumala-gala na lang basta sa labas ng bayan niyo.", pabulong kong mga tanong.

"Kadarating ko lamang ay pinaaalis mo na ako agad? Ganiyan ka ba magbigay ng isang naiibang pagsalubong sa isang Prinsesa, Taehyung?", siya pa yung may ganang magattitude.

Nagbow ako bilang pagbibigay ng respect sa kaniya tsaka ako tumingala ulit.

"Hindi naman po sa pinapaalis kita agad. Kaya lang kasi.. baka po hanapin ka po sa bayan niyo? Mag-aalala po yung mga magulang niyo kapag hindi ka nila nakita, lalo na si Prinsesa Joohyun.", calm na response ko.

Nung may narinig kami na bakas ng lakad nung ibang mga kawal, hinila ko si Prinsesa Jennie para magtago kami sa may maliit na silid na walang katao-tao.

Yari talaga kapag nahuli siya na nandito.

Hindi pa naman pang prinsesa yung dress na suot niya.

"Tutulungan po kitang makatakas, kamahalan. Delikado po kasi kapag nahuli po talaga kayo dito ng mga kawal.", pabulong lang ako na nagsasalita kasi baka marinig kami.

Sumilip ako sa labas tsaka ko nakita na paparating na yung mga kawal kaya kinabahan ako.

Paglingon ko ulit kay Prinsesa Jennie, nawala na siya sa paningin ko kaya nakadagdag kaba sa'kin.

"Saan na ba nagpunta 'yon?", di ko din alam kung bakit ako nagpa-panic, eh hindi naman ako yung mahuhuli.

Paglingon ko sa may bandang madilim, nakita ko siya na nagbibihis ng pambabaeng damit ng historian.

Kitang-kita pa rin siya kaya iniba ko yung direksyon ng mga mata ko kasi baka may makita ako na hindi ko dapat makita.

Kakaiba talaga yung babaeng 'to?

Walang pakielam sa paligid niya!

Samantalang si Princess Joohyun, sobrang dalagang Pilipina niya kung kumilos.

Prim and proper siya sa bawat kilos tsaka mga sinasabi niya.

"Maaari na tayong lumabas.", bulong ni Prinsesa Jennie sa'kin tsaka niya hinawakan yung isang kamay ko tsaka ako hinila palabas.

Nasa harap na namin yung mga kawal kaya ang lakas na ng tibok ng puso ko.

Ako yung natatakot para kay Princess Jennie kasi hindi sila familiar sa mukha niya.

"Hindi ba't ikaw ay nakadestino sa mahal na Prinsipe Jungkook? Ano't palisaw-lisaw ka rito sa labas? At sino ang iyong kasama? Hindi ko siya nakikilala. Kaninong prinsipe siya nakadestino?", natakot ako sa kawal kasi ang seryoso ng tanong niya.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon