Chapter 55

78 7 0
                                    

Taehyung's POV:

Hindi ko magawang ngumiti.

Ang lungkot-lungkot ko ngayon kasi wala na yung bata na nagbibigay palagi sa'kin ng candy.

Napamahal na sa'kin yung bata na 'yon kasi ang bait-bait niya tapos ang bubbly din ng personality niya.

Nakikita ko yung sarili ko sa kaniya nung bata pa 'ko.

"Taehyung? Nagugutom ka ba? Nais mo ba na ipagawan kita ng makakain kay Ginoong Sunghyun?", malambing na approach ni Prinsipe Jungkook sa'kin nung tinabihan niya 'ko sa upuan ko dito sa loob ng living room.

"Wala po akong ganang kumain. Ikaw po, kung nagugutom na po kayo, kumain na po kayo. Si Jisoo tsaka Ginoong Sunghyun? Baka po nagugutom na rin po? Pwede niyo po silang makasabay kumain. Dito lang po muna 'ko.", pinilit ko lang na ngumiti para hindi siya masyadong mag-alala sa'kin.

"Kanina ka pa walang gana. Malalim na ang gabi kaya kailangan mo ng kumain. Sumabay ka na sa amin nina Jisoo. Pakiusap?", concern na concern siya sa'kin kanina pa.

"Huwag mo ng masyadong damdamin ang pagpanaw ng paslit na iyon, Taehyung. Sa sandaling mawala na sa trono si Haring Junghoon, wala ng sino mang mga bata ang makakaranas muli ng ganoong pamumuhay. Nalalapit na ang wakas kay Haring Junghoon kaya naman makakabalik ng muli rito ang mga bata na minahal mo na.", si Jisoo naman yung sumunod na nagcomfort sa'kin.

"Sumabay ka na sa amin. Ang putla na ng iyong mga labi, Taehyung. Mas higit kaming hindi mapapanatag kung sakali na mayroong mangyari na hindi maganda sa iyo sa sandaling magpalipas ka na naman muli ng iyong gutom.", mahinahon na sabi ni Ginoong Sunghyun sa'kin tsaka niya hinagod yung likod ko.

"Puntahan ko lang po si Ama. Babalik din po ako.", paalam ko sa kanila tsaka ko sila iniwan.

Naglalakad na 'ko malapit sa office ni Ginoong Seojoon nang bigla kong makasalubong si Prinsesa Joohyun kaya nagbigay galang ako.

"Magandang gabi po, Prinsesa Joohyun.", nakangiti kong paggalang sa kaniya.

"Magandang gabi rin, Taehyung. May nais sana akong itanong sa iyo kung iyong mamarapatin?", nagnod ako kasi sino ba naman ako para tumanggi, "Hindi ko batid ngunit nararamdaman ko na tunay kang mapagkakatiwalaan higit sa ibang mga mananalaysay na naririto. Nararamdaman ko na walang pagtataksil ang nananalaytay sa iyong buong pagkatao kaya naman.. ikaw ang naisip ko na mapagtanungan. Batid mo ba kung ano ang halaman na ito?", bigla siyang may nilabas na halaman sa loob ng damit niya sa may wrist area.

Nagulat ako sa hawak-hawak niya.

"S-saan niyo po nakuha 'yan, kamahalan? Bakit po kayo may ganiyan?", pabulong ko na tanong.

"Ano ba ang mayroon dito? At bakit ganiyan ang iyong tinig? Mukhang hindi nararapat na may ibang makarinig sa atin?", nahalata niya agad na may something.

Dinala ko siya malayo sa mga kawal at sa ibang mga mananalaysay na nagpapagala-gala para walang makarinig sa'min.

"Kamahalan? Lason po yung hawak niyo. 'Yan po yung halaman na matagal na naming pinaghahanap bilang matibay na katibayan na may palihim na kalakalan yung palasyo na 'to at ang bayan ng Arcturo. Tanging bayan lamang po ng Arcturo yung may halaman na ganiyan.", pabulong ko na explanation na ikinagulat niya.

"May nagtataksil sa palasyong ito? Nakikipag-ugnayan siya sa isang taksil na kaharian? Sino?", halatang curious siya at gusto niyang malaman.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon