Prince Jaehyun's POV:
Nagagalak ang aking kalooban sapagkat magaling na si Taehyung.
Nakikita ko ng muli ang kaniyang sigla at mga ngiti kasama sina Jimin ngayon dito sa loob ng tahanan ng aking Amang Hari.
Lubos din ang pag-aasikaso sa kaniya ni Ginoong Seojoon kaya mas lalo akong napangiti.
"Jaehyun?", pagtawag ni ina sa akin, "Ano't naliligaw na naman ang iyong paningin sa isang tao na hindi naman karapat-dapat titigan? Mas inuuna mo pa ang mga walang kabuluhang bagay kaysa sa pagkain? Mayroon ka pang pagsasanay sa pagguhit kaya naman unahin mo ang mga dapat unahin.", mahigpit na kautusan niya kaya ibinaling ko na lang muli sa pagkain ang aking pansin.
"Bakit hindi mo pabayaan ang ating anak sa kaniyang nais na gawin?", sabat ni ama sa kaniya.
"Dahil sa iyong kalapastanganan na magmahal ng isang mananalaysay, nailipat sa ating anak ang sumpa sa iyong nagawa na dapat ay kay Jungkook mailipat. Sa sandaling ikapahamak ni Jaehyun ang pagtatangi sa isa sa kanila, hindi kita mapapatawad.", galit na sambit ni ina sa aking Amang Hari.
"Mayroon siyang pagtatangi sa isang mananalaysay rito? Kanino?", katanungan bigla ni ama sapagkat nadulas si ina sa kaniyang mga tinuran dahil sa galit.
Hindi umimik si ina at nagpatuloy lamang sa pagkain.
"Tama na, ina. Tinatakot mo si Jaehyun.", sabat ni Junghoon.
Nagtinginan sina ina at Junghoon tsaka sila nag-iwasan ng tingin.
"Jungkook? Nakarating ka na rin sa wakas. Maupo ka na nang ikaw'y makakain na rin.", bungad ni ama kay Jungkook nang siya'y makarating na.
Ang akala ko ay sa akin siya tatabi sapagkat tumingin siya sa aking gawi, ngunit tumabi siya kay Taehyung kaya naging dahilan ito ng gulat nina Jimin, maging ako.
"Mukhang napapalapit na ng husto si Jungkook sa kaniyang mananalaysay? Natututo na siyang makibahagi sa iba. Nakakatuwa ngang tunay.", pagbibigay ng pansin ni Amang Hari.
Biglang napangisi si ina na para bang wala lang sa kaniya kung si Jungkook ang mapalapit kay Taehyung.
"Mainam kung ganoon.", bahagyang napangiti si ina sa hindi ko malamang kadahilanan.
"Mananalaysay niya si Taehyung, ama. Nararapat lamang ang kaniyang ginagawa.", pagsang-ayon ni Junghoon.
"Ngunit kapag ako ang napapalapit kay Taehyung, tutol na tutol kayo? Ano ang dahilan?", walang damdamin kong katanungan.
"Batid mo na ang dahilan, Jaehyun. Huwag ka ng magtanong.", sagot ni ina sa akin.
Napatingin akong muli kay Taehyung at nakita ko na nakikipagbiruan siya habang kasama si Jungkook.
Nakakaramdam ako ng kirot sa aking puso na hindi ko nais maramdaman.
Hindi ko nais na magalit kay Jungkook dahil lamang sa isang tao na pareho naming iniibig.
"Akin po 'yan, eh? Bakit mo kinain? Una, yung candy po na binigay nung bata. Ngayon naman, yung side dish ko? Wala na po talaga kayong ibang gagawin kung hindi mang-agaw ng pagkain?", naririnig kong reklamo ni Taehyung kay Jungkook mula sa malayo.
"Mas masarap ang pagkain ng mga mananalaysay.", panunukso ni Jungkook sa kaniya.
Napakunot ang noo ni Taehyung sa tugon ni Jungkook.
"Nalalasahan niyo na po yung pagkain?", maging ako ay napakunot ang noo sa katanungan ni Taehyung kay Jungkook.
Pinandilatan ni Jungkook ng mata si Taehyung kaya biglang nitong tinikom ang kaniyang bibig.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Hayran Kurgua filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...