Prince Jungkook's POV:
Ako'y biglang nakaramdam ng kaba ng bahagya sapagkat hindi makakilos si Taehyung at lubhang natulala sa kaniyang mga nasaksihan kani-kanina lamang.
"Taehyung?! Ano't naging bato ka riyan?! Gumalaw ka! Kasama iyan sa pagsubok mo bilang aking mananalaysay. Ano pa ang iyong hinihintay? Hindi mo ba itatala sa iyong aklat-talaan ang iyong mga nasaksihan kanina?", aking mga katanungan sa kaniya.
"O-opo, kamahalan. Natakot lang po ako dun sa.. ginilitan mo ng.. batok.", tunay nga na nanginginig siya.
"Iyan ang nagiging kabayaran ng pagiging isang sutil, mananalaysay. Nais mong dumikit ng dumikit sa akin hindi ba? Magpasalamat ka sapagkat iniligtas ko pa ang iyong buhay kanina. Sana ay hinayaan na lamang kitang mapaslang ng mga iyon? Kay hina-hina mo.", yamot kong turan sa kaniya.
Sino ang mga inutil na iyon?
Bakit nila pinagtangkaan ang aking buhay?
Nakikilala kaya nila ako na isa ako sa mga Prinsipe ng bayang ito?
Ngunit kung kilala nila ako at batid nila ang aking wangis, paano?
Hindi kaya't mayroong kinalaman si Taehyung rito at isa siya sa mga nagtataksil at naniniktik sa akin rito sa palasyo?
Kaya ba siya ipinadala rito upang aking maging mananalaysay at magamit iyon upang maniktik?
Hindi malabo na mangyari iyon sapagkat nais niyang dumikit ng dumukit sa akin.
Isang kahina-hinalang kilos.
Sana nga ay tuluyan ko na lamang siyang pinabayaan kanina.
Ngunit kung kasapi nga siya ng aking mga kaaway kanina, bakit maging si Taehyung ay papaslangin nila?
"Gabing-gabi na ay nasa labas ka pa ng iyong tahanan, Jungkook? At sino ang iyong kasama? Bakit magkasama kayo ng isa sa mga pamahalaan ng palasyong ito?", maging si Junghoon at nalinlang ng pagbabalat-kayo ni Taehyung kaya't hindi siya agad nakilala, "Sandali lamang? Hindi siya kasapi sa pamahalaan rito sa loob ng palasyo. Siya ang iyong mananalaysay, hindi ba? Bakit-"
"Ipinahiram ko sa kaniya ang aking kasuotan, Junghoon. Ipinahiram ko ito ng sa ganoon ay matiktikan niya kung saan nagtutungo si Jungkook sa labas ng palasyo. Iyan ang kasuotan na aking ginagamit noon noong ako naman ang sutil at palaging tumatakas ng palasyo, upang hindi ako mawangisan na ako'y isang Prinsipe ng bayang ito.", biglaan ang pagdating ni Jaehyun.
Nilapitan ni Junghoon si Taehyung sabay hawak sa mukha nito ng napakahigpit.
Nabitawan niya ang hawak niyang aklat-talaan kasabay ng kaniyang panulat.
"Batid mo bang isang malaking kalapastanganan ang pagsisinungaling lalo na sa akin? Maaari kitang hatulan sa iyong ginagawa.", galit na galit niyang pagpapaliwanag kay Taehyung.
Bakas na bakas sa mukha ni Taehyung ang takot sapagkat may tumutulo ng mga luha galing sa kaniyang mga mata.
"Huwag, aking kapatid. Ako ang nagnais na palabasin siya. Ginawa lamang niya iyon para sa kapakanan ni Jungkook. Bitawan mo na siya.", pagpigil ni Jaehyun kay Junghoon.
Padabog na binitawan ni Junghoon si Taehyung tsaka ito bumagsak sa sahig.
Nilapitan ni Jaehyun si Taehyung upang tulungan na makabangon mula sa kaniyang pagkakabagsak, at tinulungan niya ito na damputin ang kaniyang aklat-talaan at panulat.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...