Tapos ng ayusan si Haring Jaehyun at takang-taka siya kung bakit hindi pa rin nakakabalik si Taehyung.
Lalabas na sana siya ng kwarto niya pero ibang tao yung bumungad sa kaniya.
"Tapos ko ng linisan ang aking sarili. Ayusan niyo na ako.", matapang at seryosong utos ni Prinsipe Jungkook sa mga nag-ayos sa Hari.
Bakas na bakas pa rin sa mga mata niya na kakaiyak niya lang kaya napakunot yung noo ni Haring Jaehyun.
"Ano't namamaga ang iyong mga mata? Ikaw ba'y tumangis?", naguguluhang tanong ng Hari tsaka siya tinitigan ni Prinsipe Jungkook ng matalim.
"Pumapayag na ako na maikasal kay Prinsesa Jennie. Simula sa araw na ito, bayan na lamang ang iisipin ko.. at ang katarungan sa pagkamatay ni Ina.", paninindigan ni Prinsipe Jungkook tsaka niya hinawi ang hari para dumaan para siya naman yung asikasuhin ng mga nag-aayos.
Sinundan siya ng tingin ni Haring Jaehyun tsaka 'to napaismid.
"Ano kaya ang ginawa ni Taehyung upang mapapayag ang aking sutil na kapatid? Sila ba'y nagtalo? Bakas sa mga mata ng aking kapatid ang galit at poot. At ang kaniyang singsing.. hindi na niya suot. Naghiwalay na nga ba sila ng tuluyan?", mga naiisip ng hari tsaka siya napangisi, "Mahusay, Taehyung. Batid ko na masakit para sa iyo ito ngunit bakit lubos akong nagagalak? Mapapasaakin ka na rin ng buo sa wakas.", bulong niya dahil umaayon na lahat sa kaniya.
Nilapitan ng hari si Prinsipe Jungkook habang binibihisan tsaka niya 'to binigyan ng kaluwagan ng loob.
"Nawa'y maging mabuti kang asawa kay Prinsesa Jennie. Muli nating paramihin ang ating salinlahi, Jungkook. Kailangan na ng Albirea ang mga susunod na salinlahi na mangangalaga sa kaniya. Mabuti naman at nabuksan na ang iyong isip sa kung ano ang tunay na mainam gawin.", bulong ni Haring Jaehyun sa tenga ng prinsipe.
"Ako ang magpapasiya sa nais kong maganap, Jaehyun. Hinding-hindi ako makikipagtalik sa isang tao na hindi ko mahal.", pagmamatigas ni Prinsipe Jungkook pero nginisian lang siya ng Hari.
"Ngunit tungkulin rin natin na paramihin ang ating salinlahi. Makikipagtalik at makikipagtalik ka sa ayaw mo't sa gusto mo, gaya ni Ama kaya kami naging bunga ng katapatan nila ni Inang Reyna. Bunga kami ni Junghoon ng katungkulan at katapatan na pinanumpaan ni Ama sa mahal na Bathala. Hindi mo naman nais na labagin ang kautusan at naitakdang kaugalian ng bawat kaharian, hindi ba? Sinabi mo rin na gagawin mo na ang tama at ibubuklod ka na kay Prinsesa Jennie para sa bayan. Wasto ang aking narinig kani-kanina lamang, tama ba ako? Kung talagang tunay ngang tapat ka sa mga binitawan mong salita, gagawin mo rin ang makipagtalik sapagkat isa iyan sa katungkulan natin.", panunulsol ni Haring Jaehyun.
"Lubayan mo na ako, Jaehyun. Umalis ka na sa aking harapan hanggat ako'y nakakapagtimpi pa.", napapasara na ng kamao si Prinsipe Jungkook at kitang-kita 'yon ng hari sa salamin.
Lumayo ng bahagya ang hari sa kaniyang kapatid tsaka 'to binigyan ng ngiti.
"Binabati kita, aking bunsong kapatid. Tunay nga na nagiging tapat ka na sa iyong katungkulan at sa bayan. Ganiyan ang tunay na anak ni Ama. Inuuna ang bayan kaysa sa lahat.", tinapik ni Haring Jaehyun yung balikat ng prinsipe tsaka niya iniwan.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...