Nagpasiya kami na lumabas ni Taehyung ng palasyo kasama si Ginoong Sunghyun at Jisoo upang magtungo sa dalampasigan.
Nanabik ako na magtungo roon sapagkat matagal-tagal na rin mula ng ako'y nakapunta roon.
Nagsuot kaming apat ng mga kasuotan ng pangkaraniwang mamamayan lamang upang malaya kaming makagala-gala sa labas ng palasyo at magawa ang aming mga naisin.
Ngunit may kakaiba sa aming kasuotan ni Taehyung na mababatid niya maya-maya kung bakit kaming dalawa lamang ang naiiba.
Bago kami makalabas ng palasyo ay nakita namin si Ginoong Seojoon na naglalakad-lakad kaya siya'y aming nasalubong.
"Magandang umaga po, Ama.", pagbati ni Taehyung sa kaniya pagkatapos niyang magbigay galang at nagbigay galang din si Jisoo sa kaniya pagkatapos.
"Magandang umaga rin, anak. Saan kayo patutungo?", mahinahon niyang tugon.
"Mamamasyal lang po kami ni Prinsipe Jungkook kasama po si Jisoo at Ginoong Sunghyun. Sa dalampasigan po kami patutungo, Ama. Wag po kayong mag-alala sa'kin. Kasama ko naman po sila.", magalang na sambit ni Taehyung habang siya'y nakangiti.
"Hindi ko hahayaan na mawala po siya sa aking tabi, Ginoo. Pinapangako ko.", nangako ako kay Ginoong Seojoon upang hindi na siya mangamba at payagan niya si Taehyung na makasama ko sa labas.
Napasinghap si Ginoong Seojoon tsaka siya tumango at ngumiti na lamang.
"May tiwala ako sa inyong dalawa kaya naman pahihintulutan ko na kayo.", pag-sang ayon niya kaya napatakbo si Taehyung sa kaniya upang yakapin ng mahigpit.
"Salamat po, Ama. Di po ako magpapasaway, pangako. Magbe-behave lang po ako.", masayang-masaya na sambit ni Taehyung kay Ginoong Seojoon sabay halik sa pisngi nito at yakap ulit ng mahigpit.
Bahagya namang natawa si Ginoong Seojoon dahil sa kakulitan ng kaniyang anak kaya maging ako ay napangiti rin.
"Paalam po, Ama.", masayang paalam ni Taehyung sa kaniya kaya naman nagpaalam na rin ako.
Paglabas namin ng palasyo, sa kabilang gilid kami ng eskinita dumaan upang walang makaalam na sa palasyo kami nanggaling.
Nang nakarating na kami malapit sa pamilihan kung saan maraming tao, napansin ko na baling ng baling ang ulo ni Taehyung kung saan-saan.
Mukhang mayroon siyang hinahanap.
"Ano ang iyong suliranin, Taehyung? Mayroon ka bang hinahanap?", aking katanungan.
"Naalala ko lang po kasi na dito ko po nakita yung kawangis po ng tunay kong Ama.", bakas sa kaniyang mga mata ang pananabik sa kaniyang Ama kaya naman bahagya siyang nalungkot.
"Tangi? Sinamahan mo ako ngayon rito sa labas upang makalimot pansamantala sa mga bigat ng kalooban dahil sa nangyayari sa loob ng palasyo. Huwag mo na munang isipin ang tungkol sa iyong tunay na Ama at maging masaya na muna tayo. Maaari ba?", pabulong ko na tugon kay Taehyung sapagkat kay raming tao ang nakapalibot sa amin.
Hindi ko naman nais na pigilan siya sa pagdadalamhati niya dahil sa kaniyang tunay na Ama.
Ang nais ko lang naman ay maging masaya lamang kami ngayong mga sandaling ito habang kami ay magkasama.
"Sige po, kamahalan. Patawad po.", mahinahon niyang tugon.
Hinaplos ko ang kaniyang ulo tsaka siya nginitian.
"Pagbubuklod niyo na lamang talaga ang hinihintay ko.", biglaang sambit ni Ginoong Sunghyun kaya naman nabaling ang paningin namin ni Taehyung sa kaniya.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...