Prince Jungkook's POV:
Ako ang nautusan ng aking ama na maghatid kay Prinsesa Jennie pabalik sa kanilang bayan.
Dahil kaming dalawa ay nakabalat-kayo, walang makakaalam na kami ay naninirahan sa aming kani-kaniyang mga kaharian.
Nakasakay kami sa iisang kabayo at ako ang nagpapatakbo nito.
"Kumapit ka ng maigi. Baka mahulog ka?", walang gana kong kautusan sa kaniya.
Mas humigpit ang kaniyang yakap sa aking bewang.
"Mukhang hindi isang Prinsipe ang aking makakatipan balang araw? Ako yata ang sisira sa aming angkan? Nararamdaman ko ang pananabik sa iyong mananalaysay, Prinsipe Jungkook. Siya ang nais kong mapangasawa.", mukhang seryoso siya sa kaniyang sinasambit?
"Ngunit batid mong hindi mo maaaring gawin iyan. Hindi ikaw ang sisira ng inyong angkan. Kapag ginawa mo iyon, batid mong itatakwil ka sa inyong kaharian at mamumuhay ka na lamang bilang isang pangkaraniwang mamamayan ng bayan ng Callia.", totoo ang aking sinasabi ngunit nais ko rin na ipagdamot si Taehyung sa kaniya.
Sa aming mga nararamdaman para kay Taehyung, mas kapani-paniwala naman kung si Prinsesa Jennie ang mapagtatanto nilang lahat na umiibig sa aking mananalaysay.
Sapagkat sa mata ng lahat, kasumpa-sumpa kung ako ang iibig sa kaniya.
Ngunit sa aking mga mata at aking puso, mas kasumpa-sumpa kung ititigil ko ang aking nararamdaman para kay Taehyung.
Hindi ko na siya nais na mawala sa aking tabi.
Matagal pa ang panahon na magkakasama kami, kaya't ramdam ko na mas lalalim pa ang aking nararamdaman sa kaniya, at hindi ako natatakot.
Wala akong kinatatakutan sa kung ano man ang mangyari.
"Batid ko, ngunit ano ang magagawa ko kung siya ang ninanais ng aking puso? Hindi mo naman matuturuan ang iyong damdamin kung sino ang kaniyang iibigin. Sana ay isa na lamang siyang prinsipe ng kahit na anong bayan rito, nang sa ganoon ay malaya akong ibigin siya. Mahal ko rin ang aming bayan lalo na ang aming kaharian, ngunit mayroon na rin akong nabubuong pagtatangi kay Taehyung. Mabait siya at madaling makagaanan ng loob, kaya naman hindi nakakapagtaka kung maging sa inyo ni Prinsipe Jaehyun ay magaan ang inyong mga kalooban sa kaniya.", tunay ang kaniyang sinambit.
Dahil sa mga katangian na mayroon si Taehyung, marami na kaming mga nahulog na sa kaniya.
At bakit naman hindi?
"Ngunit hindi siya prinsipe, kaya't putulin mo na ang iyong panaginip na makakaisang dibdib mo pa si Taehyung. Bakit hindi na lamang ang aking mga kapatid nang sa ganoon ay walang magiging suliranin sa pagitan ng ating mga bayan at kaharian? Mabait si Jaehyun at matapang si Junghoon. Mamili ka na lamang sa kanilang dalawa.", pinamimigay ko na ang aking mga kapatid upang mabaling na sa iba ang kaniyang pagtingin at maalis na kay Taehyung.
Karibal ko na nga si Jaehyun, mukhang madaragdagan pa ng isa?
"Susubukan ko, ngunit hindi ko ipinapangako. Hindi mo naman siya ipagdadamot sa akin, hindi ba?", wala naman akong karapatan na ipagdamot si Taehyung ngunit nangangamba lamang ako sapagkat hindi malabo na magkaroon ng pagtatangi si Taehyung sa kaniya.
"Nais mo bang isuplong kita sa iyong mga magulang na mayroon kang lihim na pagtatangi sa aking mananalaysay? Sinisigurado ko na magiging mahigpit na ang iyong mga bantay at hindi ka na muli pang makakabalik sa aming palasyo upang makita si Taehyung.", aking pananakot.
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...