Chapter 23

80 7 0
                                    

"Halika na rito.", pagtawag sa'kin ulit ni Prinsipe Jungkook.

Napatingin ako kay Prinsipe Jaehyun tsaka siya nagsmile sa'kin at sinenyasan na sumunod na lang sa kapatid niya.

Si Jisoo na lang yung umupo sa upuan na inalok sa'kin ni Prinsipe Jaehyun.

No choice, at sa demonyitong 'to ako napwesto.

"Ano't nakabusangot ka?", tanong niya sa'kin.

Obvious ba na asar ako sayo at ayokong makasama ka sa iisang table?

"Napuyat po ako kagabi sa pakikipagtalo sa inyo, kamahalan. Masakit po yung ulo ko ngayon dahil sayo kaya tantanan mo muna 'ko sa pang-aasar, pwede po ba?", pabulong kong sagot.

"At ngayon ay kasalanan ko? Kung nanahimik ka na lamang sa loob ng palasyo kagabi at hindi sumama kay Jaehyun, sana ay nakatulog ka pa ng maaga.", pabulong din niya na rebut sa'kin, "Kung ano ang iyong kakainin, ganoon na rin ang sa akin. Nais kong makatiyak kung mapapahamak ka ba sa pagkain na ihahain sa atin o hindi bago ko ito kainin."

Ang galing talaga neto?

Ginawa pa 'kong bait (pampain) sa pagkain kung may lason ba o wala.

"Kapag napahamak ako dahil sa pagkain na 'to, mawawala na 'ko sa landas mo. Mawawalan ka na ng mang-aasar sayo araw-araw. Sa oras lang talaga na may lason 'to-", naudlot kong pang-aasar.

Bigla na lang kasi naging serious yung facial expression niya.

"Hindi 'yan isang magandang biro. Tigilan mo ang pagbibiro patungkol sa lason, Taehyung.", na-offend ba siya sa biro ko?

Bakit? Ano bang sinabi ko?

"Galit po ba kayo? Nagbibiro lang naman ako. Ano bang nasabi kong mali? Sabi ko lang naman, lason.", clueless kasi talaga ako kung bakit siya galit.

"Husto na, Taehyung. Tigilan mo na ang pagbanggit riyan, nakikiusap ako.", halatang pinipilit niya lang na wag sumabog sa galit kaya pinili niya na lang maging kalmado.

"Sige po. Patawad.", natahimik na lang din ako.

Ayoko ng madagdagan yung galit niya.

Napatingin ako kina Jisoo, at formal naman silang nag-uusap ni Prince Jaehyun.

Nothing special.

"Ano ang pagkain na nais ninyo?", paglapit sa'min nung isang crew and binanggit niya sa'min yung buong menu.

Hindi ako familiar sa mga pagkain kaya yung pinili ko na lang yung dish na may manok.

Same na rin ng pinili si Prinsipe Jungkook kasi takot nga siyang malason.

Naghintay lang kami ng mahigit 20 minutes bago dumating yung mga pagkain.

Amoy pa lang, masarap na.

"Mukhang makakakain ako ng maayos? Sa iyong wangis pa lamang ay batid ko ng mabango at masarap ang pagkain na ito. Tikman mo na nang makakain na rin ako.", kalmadong utos sa'kin ni Prinsipe Jungkook.

Ginamit ko yung mga cutleries para makakain, at ang sarap-sarap nga.

Tama lang yung lambot ng meat ng chicken tapos yung sabaw, malasang-malasa.

Hindi siya masyadong maalat tapos medyo spicy lang siya, pero tolerable naman yung anghang.

"Masarap kama-", napahinto ako kasi hindi nila pwedeng malaman na prinsipe din yung kaharap ko, "Masarap yung pagkain. Tikman mo na. Hindi ka magsisisi.", sinubukan kong magsegue para hindi na niya 'ko awayin.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon