Chapter 34

72 5 0
                                    

Prince Jungkook's POV:

Nasa loob ako ng aking silid-tulugan na nag-iisa habang hawak-hawak ko ang kapiraso ng maliit na halaman na hindi ko mawari kung saan nagmula.

Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong uri ng halaman at napulot ko ito kamakailan lamang sa aking paglalakad sa loob ng palasyo.

Walang ganitong halaman ang inaangkat ng aking ama sa bayan na ito galing sa bayan ng Callia at Aria.

"Kahina-hinalang halaman. Isa ba itong uri ng halamang panggamot? Sa wangis pa lamang nito ay hindi na mapagkakatiwalaan. Sino ang nagpasok ng ganitong halaman rito?", katanungan ko sa aking sarili habang sinisiyasat ang hawak kong halaman na kulay berde na may bahid-bahid na kulay pula.

Itinago ko ito sa isa sa aking mga aklat upang walang makakita.

"Kamahalan? Nandiyan na po yung mga kamahalan ng bayan ng Callia.", pagtawag sa'kin ni Ginoong Sunghyun.

Itinago kong muli ang kapiraso ng halaman sa aking aklat at isiniksik na sa aking mga kasuotan na nakatupi.

Paglabas ko ng aking silid, magkahiwalay ng upuan sina Taehyung at Jisoo kaya ngayon ay nakatitiyak na akong mayroong nagaganap sa kanilang dalawa na hindi ko nalalaman.

Ilang araw ko ng nasusubaybayan na may iringan sa kanilang dalawa, at mas nadagdagan ang aking paghihinala kay Jisoo na siya nga ang nagtangkang lumason kay Taehyung kaya't nalagay sa panganib ang buhay ng aking minamahal sa kalagitnaan ng pagtulog nito.

"Kamahalan.", pagbibigay galang nina Taehyung sa akin nang ako ay makita nila.

Napatitig ako kay Taehyung at pinagmasdan ang kaniyang maamong mukha.

"Kamahalan? Halika na po? Naghihintay na po sina Haring Jaejoon sa labas.", bumalik lamang ako sa aking wisyo nang ako'y tawagin ni Ginoong Sunghyun.

Tumango ako at nauna ng lumabas ng aking tahanan at bumuntot sina Jisoo sa akin.

Tumabi ako kay Jaehyun at sabay-sabay kaming nagbigay galang sa Hari at Reyna ng bayan ng Callia.

"Mahalaga ang pagpupulong na ito kaya naman ipinatawag ko na rin ang kasapi ng pamahalaan at kawani nito upang dumalo sa ating pagpupulungan. Mahalaga ang kanilang pakikilahok sapagkat mayroon isang napakalaking mangyayari na mas lalong magpapalakas at magpapatibay ng ating hukbo.", pagpapaliwanag ng aking ama sa amin.

"Nasa History book nga 'to. Yung pagpupulong.", bulong ni Taehyung ngunit sapat upang marinig ko.

Napatingin ako sa kaniya at mukhang mayroon siyang malalim na iniisip.

"Masusunod, Ama.", pagsang-ayon ni Jaehyun at Junghoon.

Naitalagang muli si Jisoo kay Prinsesa Joohyun, habang si Seokjin naman ay para kay Prinsesa Jennie at si Jimin ay para kay Prinsipe Yoongi.

Naiwan sa akin si Taehyung kaya naman magkasama kaming dalawa at hindi naghihiwalay hanggang makarating kami sa silid-pagpupulong.

Nang ganap ng buo ang mga kasapi ng pagpupulong, nagsimula na ang Hari ng Callia sa pagsalaysay ng kanilang ipinunta rito.

"Narito kami upang isalaysay sa inyo ang aming mungkahi na makipagsanib ang aming bayan sa bayan ng Albirea upang mas mapatibay pa at mas mapalakas ang ating mga hukbo sa pakikipaglaban sa bayan ng Arcturo. Hindi lamang sa pakikipaglaban, kung hindi mas mapalawak pa ang ating pag-aangkat ng mga pagkain, mga halamang gamot at kung ano pa. Una itong iminungkahi ni Reyna Sohyun noong nakaraang pagpupulong at lubos naming pinag-isipan ito. May tiwala ang ating mga bayan sa isa't-isa kaya umaasa kami na marami ang sasang-ayon sa aming mungkahing ito.", ulat ng Hari ng Callia sa amin.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon