3rd Person's POV:
Dinala ni Prinsipe Jaehyun si Taehyung sa pagamutan ng mga kawal sapagkat hindi niya ito maaaring dalhin sa kaniyang tahanan at siya'y kagagalitan ni Reyna Sohyun at Haring Junghoon.
"Ano po ang nangyari sa kaniya?! Bakit po nagdugo ang kaniyang ilong?!", natatarantang tanong ni Prinsipe Jaehyun sa manggagamot na naga-asikaso kay Taehyung.
"Maayos naman po ang pagtibok ng kaniyang pulso. Wala po akong makitang karamdaman niya. Hindi po siya mainit o kaya naman ay malamig kagaya ng nasalat ko sa kaniyang balat noong mga nakaraang araw. Kinakailangan lamang po niya ng sapat na pahinga o pagtulog. Magiging maayos rin po ang kaniyang kalagayan, magtiwala kayo.", kalmadong paliwanag ng manggagamot.
"Maraming salamat, mahal na Bathala.", parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib si Prinsipe Jaehyun dahil sa mga narinig niya, "Sa gitna ng aking paghahanap sa iyo, hindi ko inaasahan na ganito ang kalagayan mo na aabutan ko. Ano ba ang tunay na naganap sa inyo ni Jungkook? Bakit tila galit na galit siya sa iyo? Hindi ko inaasahan na pagsasalitaan ka niya ng ganoon at pababayaan lamang na nakahandusay sa lupa.", kwento niya sa natutulog na si Taehyung.
Paghawak ni Jaehyun ng kamay ni Taehyung, napatingin siya sa mesa na katabi nito at may nakita siyang pamilyar na dahon.
"Ito ang dahon na nahulog ni Jisoo galing sa kaniyang aklat-talaan kagabi, hindi ba?", kinuha niya yung dahon na nakapatong, "Ano ang dahon na ito at bakit maging kayo ay mayroon nito?", tanong niya sa mga manggagamot.
"Dala-dala po iyan ni Prinsipe Jungkook kaninang umaga. Nalaglag niya po ang isa kaya naman itinabi na po muna namin riyan. Halamang lason po iyan mula sa bayan ng Arcturo. Maging si Prinsipe Jungkook ay hindi rin po batid kung bakit mayroon pakalat-kalat na halamang kagaya niyan rito sa ating palasyo? Mukhang mayroon pong nakikipagkalakalan sa bayan na iyon na taga rito?", kumunot bigla yung noo ng Prinsipe dahil sa nalaman niya.
"Mula ito sa bayan ng Arcturo? Si Amang Hari ang namumuno sa paga-angkat ng mga halamang gamot at kung ano man mula sa ibang bayan, at batid ko na hinding-hindi siya makikipag-angkat galing sa bayan ng Arcturo.", naguguluhang sagot niya, "Batid ba ito ni Ina? Kailangang malaman ito ni Haring Junghoon at Ina upang mahatulan na kung sino ang nararapat hatulan sa pakikipagkalakalan ng mga lason na ito galing sa bayan ng Arcturo."
Una niyang naisip na paghinalaan ay si Jisoo dahil sa nakita niya kagabi.
"Ano't mayroon si Jisoo ng halamang ito? Hindi siya kukuha ng halaman na ito at ii-ipit sa kaniyang aklat-talaan kung hindi niya batid kung para saan ito.", pabulong na katanungan ni Prinsipe Jaehyun.
"Sapagkat mukhang isa siya sa kasabwat sa pakikipagkalakalan ng halamang iyan, kamahalan?", napalingon ang Prinsipe kay Taehyung nung bigla 'tong magsalita.
Dahan-dahang bumangon si Taehyung at inayos ang kaniyang pagkakaupo.
"Kumusta ka na? Maayos na ba ang iyong pakiramdam?", nag-aalalang tanong ng Prinsipe kay Taehyung.
"Maayos naman po. Sandali? Ano po bang.. nangyari?", mukhang gulong-gulo pa siya sa nangyari sa kaniya.
"Nawalan ka ng malay at nagdugo ang iyong ilong. Mabuti na lamang at walang ibang masamang nangyari sa iyo.", bakas sa Prinsipe na narelief na siya kasi okay na si Taehyung, "Bakit mo nga pala nasabi na kasabwat si Jisoo sa pakikipagkalakalan ng mga halamang lason sa bayan ng Arcturo?", pag-iiba ng topic ni Prinsipe Jaehyun.

BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfictiona filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...