Chapter 36

65 5 0
                                    

Taehyung's POV:

"H-hindi. Panaginip lang 'to. Nananaginip pa rin ako, diba?", pabulong at natataranta kong tanong sa sarili ko habang kabadong-kabado ako.

Nanginginig na 'ko sa kaba.

"AMA?!", narinig ko yung malakas na boses ni Prinsipe Jaehyun habang tumatakbo papunta sa bangkay ni Haring Jaejoon na nilalabas sa bahay niya, "AMA?! IDILAT MO ANG IYONG MGA MATA! HINDI ITO MAAARI! SINO ANG MAY GAWA NITO?!", sobra-sobra yung hagulgol niya.

Kitang-kita ko rin yung reaction ni Reyna Sohyun pati Prinsipe Junghoon, and hindi rin sila makapaniwala.

Shook din silang dalawa.

Si Prinsipe Jungkook naman, parang wala lang sa kaniya, pero nanginginig yung mga kamay niya.

"Taehyung? Halika. Sumama ka sa akin.", pagtawag ni Ginoong Seojoon sa'kin kaya lumapit ako agad.

Habang naglalakad kami palayo, naiiwan pa rin yung titig ko kay Prinsipe Jaehyun.

Gusto ko siyang i-comfort kasi alam ko yung feeling na mawalan ng tatay.

"Ama? Hindi ko po naligtas si Haring Jaejoon. Wala po akong nagawa. Mission failed na po ba 'ko? Di na po ba 'ko makakabalik sa present era? Habambuhay na lang po ba 'ko dito?", mga tanong ko habang umiiyak ako.

Wala ng makakarinig sa'min kasi malayo na kami.

"Hindi pa tapos ang lahat, Taehyung. Lahat ng mga nangyayaring ito, bahagi ng kasaysayan. Ito ang mga totoong nagaganap rito na taliwas sa mga alam mo. Namatay ang mahal na Hari sapagkat hindi siya kabilang sa iyong babaguhing kasaysayan. Mayroong mahalagang papel ang pagkamatay ng Hari at iyon ang aalamin mo. Wala tayong ibang magagawa kung hindi ang tanggapin ang sinapit ng mahal na Hari.", mahinahon niyang explanation sa'kin.

"Kakayanin ko pa po ba? Nanghihina na po ako sa mga nangyayari.", mas lalo akong naiyak kaya napayuko na lang ako.

Inangat ni Ginoong Seojoon yung baba ko tsaka ako napatingin sa kaniya.

"Kakayanin mo. Simula pa lamang ito. Isipin mo na mayroon kang mahalagang papel sa panahong ito kaya ka naririto. Kung ano man ang matuklasan mo, babaguhin nito ang buong kasaysayan at lalabas ang buong katotohanan na matagal naikubli.", pinunasan ni Ama yung mga luha ko tsaka niya 'ko niyakap.

Pinakalma ako ni Ama bago kami bumalik kina Seokjin.

Pagbalik namin, naabutan ko si Prinsipe Jaehyun na nakaupo sa sahig habang iyak ng iyak.

Cino-comfort siya ni Prinsipe Junghoon habang hinihimas-himas yung likod niya.

Lalapitan ko sana si Prinsipe Jaehyun pero pinigilan ako ni Prinsipe Jungkook.

"Hayaan mo muna siya. Nariyan naman si Junghoon. Itataboy ka lamang ni Junghoon at ng Reyna kapag lumapit ka pa sa kanila.", ramdam ko yung nginig ng kamay ni Prinsipe Jungkook habang nakahawak sa'kin.

Namumutla siya at ang lamig ng kamay niya.

"Pero, kailangan po ako ni Prinsipe Jaehyun.", mahinahon kong katwiran.

"Kailangan rin kita.", nanginginig na yung bibig niya na parang gusto niyang umiyak, "Maaari ba?"

Bigla na lang akong napaisip.

Ako na nga lang pala talaga yung safe space tsaka comfort place ni Prinsipe Jungkook, and ako lang yung mapagsasabihan niya ng mga hinanakit niya sa buhay.

SAOIRSE - TaeKook AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon