Habang sina Taehyung, Jaehyun at Prinsesa Jennie ay nagtatawanan sa paglalaro ng mga hindi maipaliwanag na uri ng maliliit na hayop na nakadikit sa mga bato, ako naman ay nagbabantay kay Taehyung katabi ng aking sandata.
"Alam niyo po ba na pwedeng lutuin yung mga 'to? Tawag po sa mga 'to ay kuhol. Sisipsipin mo po tapos pwede mo ng kainin yung mga nasa sa loob.", masayang pagsasalaysay ni Taehyung sa kanila.
"Kinakain ang mga ito? Nakatitiyak ka ba riyan?", mukha namang nandiri si Prinsesa Jennie dahil sa kaniyang narinig.
"Kung huhugasan sila ng maigi at lulutuin ng maayos, marahil ay pwede nga silang makain. Ano ang lutuin na iyong nalalaman na naglalaman ng sinasabi mong kuhol?", pagsang-ayon naman ni Jaehyun.
"Ginataang Kuhol po na may maraming siling labuyo. Pangako po, mga kamahalan. Masarap po 'yon. Alam ko po kung paano lutuin.", marunong nga talaga sa larangan ng pagluluto si Taehyung.
Marami siyang nalalaman pagdating sa mga inumin at pagkain.
"Nakatitiyak ako na magugustuhan rin iyan ni Amang Hari. Mahilig siya sa mga maaanghang na pagkain.", tunay nga na mahilig si Ama sa mga maaanghang at mas ginaganahan siya sa pagkain.
Mayroong dinampot na kuhol si Taehyung tsaka siya lumapit sa akin.
"Kamahalan? Gusto niyo rin po ba ng Ginataang Kuhol?", bigla na lamang niyang inilapit sa aking pagmumukha ang kuhol na hawak niya kaya naman napaatras ako dahil sa takot.
"Huwag mong ilapit sa akin iyan. Tsaka na lamang kapag luto na.", tinatago ko lamang ang aking kaba ngunit kinikilabutan ako sa wangis ng kuhol na nakadikit sa palad ni Taehyung habang gumagapang.
Ayaw niya akong tantanan at pilit na inilalapit sa akin ang kuhol kaya naman nakahalata na siya na ako'y natatakot.
"Oh my gosh? Wag niyo pong sabihin na takot ka dito?", natatawa niyang panunukso sa akin.
"Hindi. Nakakadiri lamang ang kanilang wangis habang gumagapang sa iyong palad na para bang.. n-naglalaway pa.", may halong pandidiri sa aking tinig.
Nabaling ang tingin ni Taehyung sa aking kasuotan tsaka siya napatitig sa aking binti.
"Prinsipe Jungkook? May gumagapang po na kuhol sa binti niyo.", ulat niya kaya naman ako'y nataranta sa pagpagpag ng aking kasuotan at nagtatatarang sa takot.
Nagbuntong hininga ako at tinitigan si Taehyung ng masama nang malaman ko na wala naman pala at pinaglalaruan niya lamang ako.
Humagalpak siya sa kakatawa kaya naman natawa rin sina Jaehyun at Prinsesa Jennie.
"Kay laki ng katawan ngunit takot sa kuhol? Katawa-tawa.", panunukso ni Jennie habang hindi matigil sa paghalakhak.
"Peace.", nakangiting sabi ni Taehyung sa akin tsaka niya ini-angat ang kaniyang hintuturo at hinlalatong daliri (peace sign) na hindi ko mawari kung para saan.
Ibinalik na ni Taehyung sa kalapit na ilog ang kuhol na hawak niya tsaka niya ako hinila papalapit sa kanila nina Jaehyun.
"Sama ka po sa'min. Para ka namang others?", nagagalak ako sapagkat muli nang nagbalik ang kasutilan ni Taehyung sa akin.
Gumaan nang muli ang kaniyang pakikitungo sa akin hindi gaya ng mga nakakaraang araw naming pagsasama.
•~••~••~•
BINABASA MO ANG
SAOIRSE - TaeKook AU
Fanfica filo taekookau - wherein a 'naughty but kind' digital artist from the present era named Kim Taehyung had an accident and returned to the past dynasty as one of Prince Jungkook's historian, the 3rd and youngest, commonly known as King Jaejoon's 'mo...